“Hi, you’re here.” bati ni Dominic sa kanya na kakabukas lamang ng gate. “Bakit ngayon ka lang?”
“I’m with someone.” Paalam niya dito na ang tinutukoy ay ang kasamang si James na nakatayo pa rin malapit sa kotse.
“Hi! I’m James. I finally met you.” Lumapit ito sa kaibigan niya.
Halata niyang mukhang na-shock ito ng Makita ang kaibigan. Kanina niya pa kasi ito tinatawanan dahil ang buong paga-akala nito ay lalake ang nagmamay eri ng pangalang Dominic.
“Finally met me? Parang napagusapan na ninyo ako ah.” Paguulit nito sa sinabi ni James.
Biglang may dumaang maingay na big bike sakay ang isang lalake. Tumigil ito at nagbusina sa tapat ng katabing bahay ng kaibigan. Natigilan silang lahat sa ingay na dala nito. mas natigilan pa sila sa mga kasunod nitong iba pang sasakyan sakay ang maiingay na mga lalake. Isang landrover ang muntikan ng mahagip siya.
Buti mabilis siyang nahila ni James.
“Careful!” sigaw ng lalakeng naka-sakay sa motor sa mga nakasakay sa sports car na nahinto rin dahil sa pangyayari.
Bumaba ang isang lalake mula sa sasakyan. Dali-dali itong lumapit sa kanila.
“I’m sorry. Ang gugulo kasi ng mga kasama ko.” Hingi nito ng paumanhin sa kanila.
Ngayon niya lang naramdamang maigi ang kapit ni James sa baywang niya na halos nakayakap na sa kanya dahil sa pagsagip nito.
Tiningnan niya ito na parang nanunudyo. “Okay na ako.” Para itong nailang sa sitwasyon nila.
Agad naman itong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya. “Buti naman.”
“Driving mad ka talaga ano?” galit ni Dominic sa muntikan ng makabangga sa kanya. “Nasa tabing tabi na nga kami eh.”
“Uy! Miss Eyeglass’s ikaw pala yan.” Tukoy nito sa kaibigan niya. At tinanggal nito ang sunglasses nito.
‘I think I know this guy.’ Mukhang nakikilala niya ito.
“This is the second time you messed with my place.” Naiinis na sermon ng kaibigan sa lalake.
“Again, I’m sorry.” sagot nito. “I really am, miss.” Baling nito sa kanya.
Noon niya lang natanto kung sino nga ang lalakeng humihingi ng pasensiya.
“You’re Kurt Ledesma, right? The famous car racer.” Pagkilala niya dito. Mahilig siya sa mga karera kaya nakikilala niya ito. In fact, she’s one of his fans, bukod kasi sa good looks nito ay may ibubuga rin naman ito. Marami kasi sa industriya ng sports ang puro lamang looks at pa-cute, isang beses lang nanalo ay kala mo na kung sino.
“Yeah.. I am.” Sagot nito. “Miss Eyeglass, kita mo yo’n. Kilala niya ako. She’s normal.” Baling ulit nito sa kaibigan.
“Shut up!” inis na salubong nito sa sinabi ng lalake.
“If you don’t mind, may house warming party ako ngayon, hope you could join me.” Pagyayaya nito. “Kurt, Pare.” Pakilala nito kay James.
“James.” Tugon ni james.
Tiningnan niya ang kaibigan. Coping for an answer to Kurt’s invitation. Ngunit, umiling lamang ito. Nakuha niya ang gusto nitong sabihin. She bet na ito yung kinukwento ng kaibigan na aroganteng lalake na bumangga sa kotse nito ng minsang nag-papark ito ng sasakyan sa garahe ng bahay nito sa subdivission.
“Hope we could kaso, we have something to do.” Pagtatanggi niya.
Tumango lamang ito bilang pagsasangayon sa desisyon nila.
BINABASA MO ANG
Marry Me Money
RomanceINHERITANCE COMES AFTER MARRIAGE. LEX WANTS TO INHERIT HER LOLO’S WEALTH, BUT TO GRANT IT SHE MUST MARRY THE GRAND SON OF HER LOLO’S BESTFRIEND. BUT THE MAN SHE BETROTH IS A MAN WHO BELIEVES IN THE SACRECY OF MARRIAGE, AND HE IS AGAINST OF IT. SO LE...