Mukhang naubos ang lakas niya nang buhatin niya si Lex hanggang sa kwarto nito. Ibinaba niya sa kama ang buhat-buhat na dalaga. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan ito. She looks like an angel when asleep, he can see. Kahit morena ang kutis nito ay makinis with a perfectly shaped nose and eyebrows––makapal iyon pero may porma ang kilay.
“Goodnight, Lex.”
Doon lang at lumabas na siya ng kwarto.
Pumasok siya sa kwartong katabi lang ng kwarto ni Lex. Nahiga siya sa kama upang magpahinga. He remembered the agreement between them. Mukhang napasubo siya. Hindi man siya nahulog sa panliligaw ng dalaga ay nahulog naman siya sa hindi niya inaasahang pangyayari.
“You’re unbelievable.”
Hindi na siya nakatulog ng umagang iyon. Halos isang oras din siyang nagpabaling-baling lamang sa kama at hindi man lang dinapuan ng antok.
Nagpasya siyang bumangon ng maulinigan na may mga gising na sa baba. Bumaba siya upang makipagkwentuhan nalang.
Nakita niya doon ang lolo ni Lex na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng tea sa sala.
“Good morning po.”
“Oh, Ijo. Halika, join me here.”
Ngayon lamang sila magkakausap nito ng mag-isa mula ng dumating siya dito. Lagi kasi itong maagang pumapasok sa trabaho at gabing-gabi na kung umuwi.
“Cecil, magdala ka nga ng isa pang tasa para kay, James.” Utos nito sa napadaang katulong.
“Please.” Segunda niya.
“How’s your stay here, Ijo?”
“Great. Were enjoying each other’s company, you have a very delightful granddaughter, sir. Napaka-entertaining niya.”
“Good. Hindi ka naman ba binibigyan ng sakit ng ulo?”
Always. “No, sir.”
“Matanong ko lang ,ijo. Kumusta naman ang pinatatayong sport complex ni Lex sa isla, you’ve been there, right?”
Bakit siya ang tinatanong nito kung pwede niya namang kausapin ang apo. Napaka transparent nito ngayon. Kitang kita niya ang pagaaalala nito sa apo di gaya ng nakaraang hapunan nila. Tingin niya ay ayaw lang nitong ipakita but the truth is, he really cares for her.
“Maayos naman po. Paunti-unti na po na natatapos.”
Inialapag ng katulong sa mesa ang isang tasa. “May kailangan pa po ba kayo, Senior?”
“You can go.”
“Sir, hope you don’t mind me asking this.”
“What is it, Ijo?”
“Do you love, Lex?”
Tiningnan siya nito batid niya na nagtataka ito sa naitanong niya. Ibinalik nito ang atensyon sa diyaryo.
“I can see now that you’re inlove with my grand daughter.”
Nagulat siya sa sabi nito. muntik niya nang maibuga ang tsaang iniinom niya.
Is he really inlove with her? Hindi niya naman ata naramdaman iyon.
“I don’t know. Sir.”
“Noong una, Katulad mo ay hindi ko rin matanggap sa sarili ko na mahal ko nga ang apo ko.” Pagpapatuloy nito.
Hindi niya lang ba talaga matanggap?
“She’s been too careful sa mga galaw niya. Lahat naman ng sabihin ko’y ginagawa niya. She never disappointed me. Hindi ko alam na minamahal ko na pala ang apo ko hindi dahil sa ginagawa niya ang mga gusto ko because she’s working hard for me.” Ibinaba nito ang diyaryo upang humigop ng tsaa.
“You’re lucky to have her, sir.”
“Yes, but I never show her how lucky I am.”
“Why don’t you show her now?”
“I want her to learn how to commit mistake na hindi inaalala ang iisipin ko o ng ibang tao. I know you love her. Make her feel loved, James; but, teach her not to be a coward. You know how to deal with failure, ijo. Make her just like you.”
Hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung ano talaga ang nararamdaman para dito.
“I will if I can, sir.”
“Ganyan din ang sinabi ko noon, dahil hindi madaling mahalin ang taong nagpapaalala sakin ng pagkamatay ng sarili kong anak, Ijo.”
BINABASA MO ANG
Marry Me Money
RomantizmINHERITANCE COMES AFTER MARRIAGE. LEX WANTS TO INHERIT HER LOLO’S WEALTH, BUT TO GRANT IT SHE MUST MARRY THE GRAND SON OF HER LOLO’S BESTFRIEND. BUT THE MAN SHE BETROTH IS A MAN WHO BELIEVES IN THE SACRECY OF MARRIAGE, AND HE IS AGAINST OF IT. SO LE...