Chapter 9 (Part 1 of 2)

5.5K 114 0
                                    

She was playing polo. A game played with a wooden ball and mallets having long flexible handles by players mounted on horseback.

Then there he was sakay ng kabayo with his mallet. He’s really a good looking man. Kahit anong suot nito ay bagay dito. White polo shirt, jeans and boots and cap on his head.

Inagaw nito ang bola sa kanya. hinabol niya ito. nakikita niyang marunong ito ng laro kung saan siya magaling.

Nakapuntos ito kagad.

“Nice one!”sigaw niya rito.

Sa kalaban niya ulit ang bola. She can see his sweat falls from his forehead ng makalapit siya dito. Lumandas ito sa noseline hanggang sa dulo ng ilong nito.

He really has a very angelic masculine face. Pati ang damit nito ay basang basa na ng pawis. Nahuhulma ang mga pandesal nito sa tiyan kapag inaabot nito ang bola.

Nakikita niyang mukhang napapagod na ito sa ginagawa. Itinigil niya ang kabayo sa pagtakbo.

“What happened? Why did you stopped?” tanong nito sa kanya.

“Pagod ka na!” sigaw niya. Magkalayo ang kinaroroonan nilang dalawa. “Let’s have some water. Baba ka muna!”

Bumaba siya sa kabayo niya. Kumuha siya ng tubig sa tent sa gilid ng field. Iniabot niya ang isang basong tubig sa lumapit na lalake.

“Nice game. Kaso, parang hindi ka sanay maglaro.”

“Yeah. I play sometimes in Europe. Hindi nanibago lang siguro ako.”

“Okay.” Sangayon niya. “Then we should do this often.”

Uminom ito ng tubig na binigay niya. Tinanggal nito ang sombrero at ibinuhos ang natirang tubig sa ulo. He looks manly doing that gesture.

“Maybe.” Sabi nito. “Ibang iba talaga ang init ng Pilipinas.”

“Yeah.”

“Do you do this everyday kapag nandito ka?”

“Oo. This is my sport.”

“Kaya pala kulay toasted siopao ka.” Uminit ang tenga niya sa narinig na pangungutya nito. “But, you really look good in your color.”

“Dapat ko bang ikatuwa iyan?”

“It’s up to you.” Sabi nito.  “You know, Lex. I can see you’re good in many things but don’t you ever try to surmount your fear underwater?”

Hindi niya inakalang magtatanong ito tungkol sa takot niya sa ilalim ng dagat.

“I did.” Seryoso niyang sabi. “Tara, may ipapakita ako.”

“Ano? Saan naman?”

“Sumunod ka nalang.”

Narating nila ang gilid ng guesthouse. Dinukot niya ang isang susi sa bulsa.

“Anong mayron dito? Were just facing an empty wall, Lex. Niloloko mo nanaman ba ako?”

“Maghintay ka kasi.” She knelt down para abutin ang keyhole sa baba then stand up to push the door that unify with the wall of the house. Nagbukas ang isang pinto. “Come in.”

“Ano to?” namamnghang tanong ng kasama.

Isang hagdan pababa ang sumalubong sa kanila.

Pagkababa ay nalantad sa kanila ang isang walang laman na kwarto. “Nothing’s here.”

She pushed a botton para mahawi ang malaking kurtina na bumabalot sa napakalaking pader na nakabalot sa isang pader. The curtains automatically compresed in two sides.

Tumambad sa harap nila ang ilalim ng dagat na nasa kabila ng see through mirror wall. May dalawang monomento doon, isang lalake at babaeng nakahawak kamay.

“I’m trying hard to overcome my fear by this.” Sabi niya.

“I guess, that’s you’re mom and dad?”

“Yes.”sagot niya sa tanong nito. “Ang totoo, James. Hindi na takot ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko sa dagat.. kundi, galit.”

“Galit?”

“Sa sarili ko. Kung bakit ako pa ang nakaligtas at hindi sila. Everytime I feel the water conquers my whole body, parang gusto ko nalang na tuluyan na akong lamunin ng dagat. I can always remember how the boat sank.” She can feel her heart beats as if it’s going to burst. “And that’s exactly the face I lastly remembered before I lost them forever.”

“I know why you survived.” Narinig niyang sinabi nito. napatingin siya sa nagsalitang si James. “Because, you haven’t yet know how much they loved you and also, they died because they have proven to themselves that they can’t live without each others love.” Tutok na tutok ito sa monument ng magulang niya.

“How can you say that?”

“Your love for them make the image seems real.” She returned her eyes to his parents.

“Kaya’t hindi mo makalimutan ang mukha ng magulang mo because, you’re just remembering it but your heart is blinded with regrets to see what is behind their faces.”

She studies her parent’s expression. Bakit hindi niya nakita ang mga iyon. Naalala niya ang aktong pinalutang siya ng mga magulang gamit ang isang kahoy. Apat na taon palang siya noon. Sinabi nito na dumapa lang sa kahoy kaya ‘yon lang ang ginawa niya. Nakalutang lamang sa dagat ang magulang niya habang nakikita niyang nanginginig ang mga ito. when she looked at their faces nakita niya ang malungkot at nanganambang mukha ng mga ito. Mahal na mahal ka namin, Anak. Sandaling naalala niya ang mga sinabi ng mga ito.

Naramdaman niyang may tumulong luha sa mga mata niya.

“Let that tears fall.” Narinig niyan gsinabi ng katabi.

Tuluyan na siyang umiyak. Ngayon na lamang uli niya naramdaman ang luha na bumalot sa mga mata niya.

“I will.” Usal niya.

“Ang pangit mo talagang umiyak.” Iniabot nito ang isang panyo sa kanya. natawa siya sa sinabi nito.

“Nagdadrama na nga ako mangiinsulto ka pa.”

Ipinangpunas niya ng luha ang ibinigay nitong panyo. “You’ve finally gave me a hanky. Hindi na face towel.”

“Baka kasi magreklamo ka nanaman. Kasi amoy pawis.”

“Kasi nga, amoy pawis naman talaga.”

“Hindi naman ah.” Inamoy nito ang tuwalyang nakasabit sa balikat nito.

“TSE! Tara na nga. May ipapakita pa ako sayo sa taas. Ipapakita ko sayo ang next batch ng exhibit ko.” Alok niya rito. Dinala niya ito sa kanyang gallery na nasa taas lamang ng pinanggalingan nila.

Marry Me MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon