Lex is walking down the stairs when she saw her Lolo and James at the sala. Natigilan siya ng marinig na magsalita ang lolo niya.
“Hindi madaling mahalin ang taong nagpapaalala sakin ng pagkamatay ng sarili kong anak, Ijo.”
Parang napakalakas na kurot sa puso ang naramadaman niya. Nasaktan siya sa nasabi ng lolo. Kahit kailan nga ay hindi siya nito matatanggap.
“Lex!” tawag sa kanya ni James ng makita siya sa hagdan. “Kanina ka pa diyan?”
“No. kakagaling ko lang sa kwarto.” She act casual na parang wala siyang narinig.“Good morning, Lo.”
Tumango lang ito. “Think I should prepare.” Pakasabi nito ay tumayo na at dinaanan siya papunta sa taas. “Lex.” Tumigil ito sa pagakyat upang tawagin siya.
“Yes, Lo.”
“You don’t have to report to the company for now. Asikasuhin mo muna ang pinapagawa mo sa isla.” Iyon lang at tuluyan na itong umakyat.
“Anong pinag-usapan niyo?” baling niya kay James.
“Nothing. Kung anu-ano lang.” now he’s lying to her.
Hindi niya nalang inusisa pa ito. “Nakatulugan kita. I’m sorry.”
“You owe me one. Ang bigat mo kaya. I carried you all the way papunta sa kwarto mo at malayo ‘yon ah. Sumakit nga ang katawan ko eh.” Saad nito at nagastang masakit nga ang katawan.
Hindi niya na kailangan pang gawin ang gusto nito, total nanalo naman siya sa pusta at alam niyang may isang salita naman ito.
“Ate Cecil.” Tawag niya sa kanina pang naglilinis ng mga figurines. “Kailangan ata ng masahe nitong si James. Pakimasahe nga.”
“Oh, no. gusto ko, ikaw.”
“Ah-ah.. You will hate it kapag ako ang nagmasahe sayo.” The last time she say it ay nagsisi nga ito. kaya nararamdaman niyang magaalangan nga ito.
“Oh, I love hard massage. Sigurado ko namang hindi mo gustong malaman ng lolo mo ang balak mo diba, Lex?.” Pangbablackmail nito sa kanya.
Balian ko kaya ng mga buto ito? Hindi mo ako madadaan sa ganyan.
“Kapag ginawa mo yan, malalaman din ng lolo mo.” Naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng maiinom. “You’ll blow everything.”
“Of course not. Wala namang malaking nakataya para sakin. Pero ikaw meron.”
Natigil siya. Totoo naman kasi ang sinasabi nito. hindi naman gano’n siguro kabigat ang makukuha nito sa napagusapan nila.
“Whatever, James. Mamaya nalang sa isla.” Sabi niya, ngunit wala talaga siyang balak gawin ito. just to kill the conversation ay umuyon lang siya.
“Sure.”
Ang dali mong maloko, James.
Dumeretso na siya sa gagawin niya. Nakita niyang sumunod ito sa kanya.
Ano nanaman kayang gusto niya.
Nadatnan niyang nagluluto ng almusal ang kusinera nila.
“kumain ka na ba?” naupo siya sa silyang katabi ng bar sa kusina.
“Not yet. Hinihintay kitang magising para sabay na lang tayo.”
“Sweet.” Napangiti ang kusinera sa narinig. “Anong niluluto mo, Nana.” Kausap nya dito.
“Ang paborito mong bolonia. Ija” Sagot nito.
She can feel the weight of his stare. “Di naman kaya ako matunaw niyan, James?”
Sasabihin ko ba sa kanya? baka isipin lang niya na gusto ko lang takasan ang napagkasunduan namin. Ang hirap maipit sa maglolo na’to.
“di naman kaya ako matunaw niyan, James?” ang pagsisita nito ang nakapukaw sa kanya mula sa malalim na pagiisip. Kanina pa pala siya nakatitig dito. “Don’t fantasize me so much, dear. Save a bit for next time.”
Kagigising lang nito ay aktibo na kagad ang utak sa pangaasar.
“Oh no. pagkain na kasi ang pagtingin ko sayo.”
“Why, Am I yummy sa tingin mo?”
“Of course. Alam mo ba yung siopao na toasted? Kakulay na kakulay mo eh.” Pangungutya niya sa kulay nito.
“Oh, yes. Ikaw, alam mo yung oven? Kaya kitang itoast dun.”
“Kahit huwag na,” lumapit siya sa kinaroroonan nito. “I’m deliscious when I’m fresh. Wanna bite?” he slightly leaned at the bar facing her.
“Tama na ang harutan. Oh, kumain na nga kayo.” Inilapag ni Nana Vicky ang pagkain sa harap nilang dalawa.
“Samahan niyo na kami, Nana.” alok niya sa naghanda ng almusal.
“Huwag niyo na akong alalahin at kumain na ako kasabay ng mga kasambahay natin. Siya nga pala, may ipagbibilin ba kayo? Mamamalengke ako ngayon..”
“Wala naman po.” Sabi ni Lex.
“Bago ko makalimutan, ‘yong pinabili mong kape nasa ref, Ija.” Sabi nitong si Nana Vicky bago umalis.
Tumayo ang kaharap upang tingnan ang sinasabi ng kakaalis pa lang na matanda. Pagbalik ni Lex ay maydala itong dalawang lata. Iniabot nito sa kanya ang isa. Ang paborito niyang kape.
“for you.”
“Thanks.” Pasalamat niya.
She drank the can of coffee straight and eventually threw the empty can at the bin.
“Lagok marinero ah.”
“I’m so thirsty.”
BINABASA MO ANG
Marry Me Money
RomanceINHERITANCE COMES AFTER MARRIAGE. LEX WANTS TO INHERIT HER LOLO’S WEALTH, BUT TO GRANT IT SHE MUST MARRY THE GRAND SON OF HER LOLO’S BESTFRIEND. BUT THE MAN SHE BETROTH IS A MAN WHO BELIEVES IN THE SACRECY OF MARRIAGE, AND HE IS AGAINST OF IT. SO LE...