Epilogue (Part 2 of 2)

12.1K 236 94
                                    

“The Artist of the Decade Award goes to..” kinakabahan si Lex habang ina-announce ng emcee ang parangal kung saan nominado siya. Pikit mata siyang nananalangin para sa award. “Alexis Carlo!”

Narinig niyang nagpalakpakan ang maraming taong dumalo sa Awarding sa coliseum.

“Lex! Ikaw ang tinawag.” Sabi ng katabi niya.

“Alexis Carlo.” Ulit ng emcee. Siya nga ang tinaawag nito.

Oh God! Thank you!

Tuwang tuwa siya sa nalaman. Madali ay tumungo siya sa stage para tanggapin ang parangal.

Nakikita niya mula sa stage ang napakaraming tao. Sanay na siyang humarap sa mga tao at magsalita sa stage dahil sa paulit ulit na pagkakapanalo niya sa mga awarding.

“This is for all of you, for my supporters, mentors, colleagues and especially God. This moment is the biggest moment of my life. Courage is easy but dedication cost extra. Maraming salamat po sainyo. Enjoy the rest of the night..”

‘yon lang ay bumaba na siya ng stage.

Pagkatapos ng awarding ay dumeretso siyang lumabas. Hindi na siya naghintay pa sa picture taking ng mga awardee.

Bago paman siya makalabas ay nasukol siya ng mga gustong magpaautograph at maginterview sa kanya.

Hinawi ito ng PSG niya.

Hindi siya maaring magtagal doon dahil may pupuntahan pa siyang TV show. Hindi siya dapat ma-late doon. Nakakahiya naman sa mga staff ng show kung magpapaimportante siya.

Madali siyang nakarating sa studio dahil malapit lang ito sa coliseum.

“Hi, miss Carlo. I’m Gigi. Stage director. Pakibasa nalang po nang mga tanong para mamaya. Iyang po ang itatanong sayo ng mga host ng show.”

“Thank you.” Umalis ito at may isang crew na gumiya sa kanya sa isang dressing room.

“Dito nalang muna ho kayo, ma’am. Tatawagin nalang naming kayo kung kayo na ang isasalang.” Sabi pa nito.

“Mister Toralba, pahintay nalang po muna dito may TV guesting pa ho kasi si Miss Marie..” narinig niyang may nagsalita at pumasok sa dressing room na kinaroroonan niya. Toralba? Sounds familiar.

Nakita niya sa repleksyon ng salamin ang isang nakatalikod na lalake. Pamilyar ang hubog ng katawan nito.

Nakadama siya ng kaba ng pumasok sa isip niya ang lalakeng matagal niya nang kinalimutan.

Nakita niya ng buo ang mukha ng lalake ng lumingon ito sa dako niya.

James..

 

XXX

Marry Me MoneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon