“Sir, napasama ata ang hirit niyo kay, ma’am.” Sabi nitong si mang badong. Tapat na katiwala ng isla Carlo.
“Sa tingin niyo ho, manong?” tanong ng naiwang si James.
“Opo. Hindi ho kasi yan nang iiwan ng kasama. Ngayon lang. Hindi rin naman po kasi tama ang mga sinabi niyo tungkol sa gusto niya. Hindi po mangagamit ang amo ko. Kung gagawin niya man yun ay may mabigat na dahilan.” Litanya nito.
He knows her, gaya nga ng sabi ng naiwang kasama niya ay hindi talaga ito nang-iiwan. Kahit pa nga noong pilit itong pinapasama sa kaniya sa pag-lilibot ng hacienda ng lolo nito ay lagi niya itong ina-asar ay hindi siya nito hinahayaang mag-isa. Siya naman ay ginagawa niya lang asarin ito para iwan siya dahil sa ayaw niya lang ng kasama pero sadyang malakas ang pasensiya nito.
“Kausapin pa kaya ako no’n manong? Wala pa naman akong kakilala dito.” Pagaalala niya.
Wala na nga talaga siyang kakilala, lahat na ata ng ka-klase’t kaibigan niya noon ay nag-sipag-abroad na. At may kaniya-kaniya ng pamilya. Wala narin naman kasi siyang update sa mga ito, matagal siyang nag-isa sa Europa.
Nagkibit balikat ito. “Mabait naman po si Ma’am. Di yo’n nagtatanim ng sama ng loob.”
“Kung sakaling hindi na, tayo nalang maguusap, manong.” He grin.
“Pwede naman po, basta huwag niyo ako masyadong englesin. Baka di tayo magkaintindihan.” Napakamot ito sa ulo.
Napatingin na lamang siya dito habang papunta ito sa di kalayuang nakapark na sasakyan. “Sir, tara na ho,”
“Teka manong. Pano itong kabayo? Papasanin natin?” naalala niya ang huling sinabi ni Lex.
Hindi naman sa hindi siya marunong, of course he knows how, halos nga sabay lamang sila ni Lex na matutong mangabayo noon.
And the last time he saw her riding a horse ay nawalan ito ng malay dahil sa pag-kakauntog sa isang sanga. Napaka-clamsy, he didn’t expect na hindi nito maiilagan ang punong nasa harap nito noon. Busy masyadong maki-sakay sa mga pang-aasar niya para hindi ito makita.
Natawa siya ng lihim sa naisip.
---------------------
“So what happened to your conversation with your soon to be fiancé?” Her friend Dominic asked.
Pagka-galing sa pam-pang ay dumeretso siya sa working area ng gallery niya para mag-palipas ng dismaya mula sa nangyari kanina. At saka naman dumating itong kaibigan niya.
“Masyadong old school, Dom.” Sagot niya dito. “Marriage is sacred for me.” Pang gagaya niya. Habang nagmo-molde ng isang maliit na pigura ng kabayo. “And worst he accused me of being a user and pag-trabahuhan ko daw ang mga gusto ko.”
“And this instance, you’re giving up. I guess.” Duda ng kaibigan.
“No.” she answered almost too quickly “Sabi niya, ‘work for what I want’.” She quoted, stressing the line with her fingers, “So, I’ll apply it…” she said, toying with the mouth of the vase she’s molding, letting her words linger before continuing, “on him.” pagbabalak niya. At natawa siya.
Napangiti na lamang ang kaibigan.
“Gusto mong subukan?” aniya, tinutukoy ang ginagawa.
“Sure.” Lumapit ito sa kaniya para subukang mag-molde.
Ito halos ang ginagawa niya kapag may oras siya. She’s a ceramic artist at hindi niya maiwan ang hilig niyang ito. When she graduated Business Administration Major in finance and completed her MBA at the age of twenty-one, her grandfather gave her an island for a gift. While working at the company, she took fine arts to pursue her passion. And she uses the island as her practice ground for her art.
Plano nila ng mga kaibigan niyang gawing parang sports complex ang isla niya. Balak rin kasi nilang ito na lamang ang gawin nilang quarters ng Out Door Club. Duma-rami na kasi ang mga pumapasok at nag-aavail ng venture nila, kaya’t kailangan na rin nilang mag-expand.
Her friend Dominic is one of the Out Door Club members, gusto rin nitong dito na officially i-launch ang club nila. Sa kaniya naman ay bentahe na rin ito, she can conduct her exhibits in her island. Madali nanamang matapos ang pag-developed ng kabuuhan ng isla. Araw na lamang ang bibilingin niya ay tapos na ito.
“Tama bang ginagawa ko?”tanong ng kaibigan.
“Yeah, pero huwag masyadong mabigat ang paghawak mo. Make it smoothly and slightly hard.” Turo niya dito.
“Lex, baka naman may gusto siyang iba. Maybe somebody owns his heart. Kaya ayaw niyang pakasal. What will you do if ganon nga?”
“I don’t know. Ayoko namang maging kontrabida at selfish.”
‘baka nga meron siyang gustong iba back in Europe.’ Naisip niya. ‘if that’s the case, I don’t know what to do.’ Hindi naman niya gusto ang maging cradle snatcher.
“Baka naman hindi. Pero kung hindi nga, liligawan ko siya.”
“ Are you sure of that?” her friend doubted.
“Naman. Liligawan ko siya to be my lawfully wedded husband.”sagot niya. “In fact, advice niya yo’n eh. Work for whatever I wanted.”
“Bakit kasi hindi nalang ibigay ng lolo mo sayo ang company niyo.”
“Ewan ko ba talaga kay, lolo. He really loved to play tricks on me.”
Her grandfather gave her a condition of marrying his bestfriend’s grandson in exchange of her inheritance. Maybe she’s greedy, but she just want to secure her future.
She grew up with silver spoon on her mouth, she can’t imagine herself got from riches to rags. So, she’s overzealous of her inheritance. She’s wiiling to do what it takes for it, lalo pa’t ka-agaw niya ang tita’t tito niya sa yaman ng lolo.
“Anyway,” anito, initiating to change the topic “You know what Lex? I’ve met this arrogant guy sa villa. Napaka yabang niya.” Halatang inis na inis ito sa kinukwento ng lalake.
“Pano mo nakilala?”
“He bumped my gorgeous car with his piece-of-a-junk car. Tapos, ako pa daw ang may kasalanan. Inatrasan ko daw siya. Eh siya nga itong biglang lumihis ng lane. Worst is, kapitbahay ko pa at araw araw siyang nambubwisit, Lex.”
“Baka naman kasi interesado sayo.” Tudyo niya dito.
“Oh no. wag naman.”
“Bakit? Pangit ba? What is he like?”
“Ah. I don’t know. Basta, arogante siya.”
Natawa lang siya dito. Ang cute kasi ng kaibigan niya kapag naiinis.
“Bibisita ako.”
“Saan?”
“Sa bahay mo. Nang Makita ko yang knight of disaster mo.”
BINABASA MO ANG
Marry Me Money
RomanceINHERITANCE COMES AFTER MARRIAGE. LEX WANTS TO INHERIT HER LOLO’S WEALTH, BUT TO GRANT IT SHE MUST MARRY THE GRAND SON OF HER LOLO’S BESTFRIEND. BUT THE MAN SHE BETROTH IS A MAN WHO BELIEVES IN THE SACRECY OF MARRIAGE, AND HE IS AGAINST OF IT. SO LE...