Chapter 27: Kaligayahan

38 0 0
                                    

Soma POV:

Binulsa ko na ang maskara ko at tumakbo na ako pauwi bago pa ako mahuli ng mga pulis.

Nakakainis dahil may mga taong nakakita sakin at sa DS pero nakamaskara naman ako kaya hindi nila malalaman kung sino ako tapos sa tingin ko kumuha ng mga picture ang mga estudyante kanina.

Nakauwi na ako sa bahay at sinigurado ko na walang nakakita sakin, bunuksan ko na ang pintuan pero hindi nakalock nakalimutan ko nanaman siguro maglock ng bahay bago umalis kaninang umaga.

Pagpasok ko ng bahay nagulat at tinutok ko ang baril ko nang nakita ko si Shion na nakaupo sa sofa na nanonood ng TV tapos tinaas niya ang dalawang kamay niya ng nakita niya akong tinutok ang baril ko sa kanya.

"Shet! Ano ang ginagawa mo dito!? Trespassing?"

"Sorry! nakalimutan mo nanaman kasing ilock ang pintuan ng bahay kaya pumasok nalang ako."

Binaba ko na ang baril ko at binaba na din ni shion ang mga kamay niya.

"Alam mo naman siguro na pwede kitang kasuhan ng trespassing diba."

"Edi kakasuhan naman kita ng illegal possesion of firearms."

"Ano ba ang kaylangan mo at dito ka sa bahay nagpunta?"

"Ibabalik ko lang ang bag mo."

Binuhat niya ang bag ko sa tabi niya tapos binaba niya na ulit.

"Okay salamat ngayon pwede bang umalis ka na."

"Alam mo hindi lang naman ako nandito para ibalik sayo ang bag mo concern din ako sa kalagayan mo no!"

Medyo pasigaw ang pagsabi niya pero naramdaman ko naman na concern talaga siya kaya ayos lang.

"So ano okay ka lang wala bang masakit sayo?"

"Ayos lang ako salamat sa pagaalala."

Nilabas ko na sa bulsa ko ang maskara ko at nilagay sa tabi ng bag ko at umupo ako sa sahig at nakapatong ang likod ko sa sofa malapit sa paa ni Shion.

Nang binuksan ko ang cellphone para ko para magbasa ng mga text lumapit sakin si Shion ng konti para gusto niya din mabasa ang mga text ko.

May nagtext sakin kanina noong tinataguan ko ang DS kaya tumunog ang cellphone ko at sinugod ako.

Tinignan ko ang inbox ko at si boss ang nagtext ang nakasulat ay: "Soma may DS na papunta sa ISU kaya mo na siguro yan magisa sorry at good luck."

Medyo nabadtrip ako nang nabasa ko ang text dahil late ko na nga lang nareceive nagtatago pa ako nang nagring ang cellphone ko.

"Pambihira shet talaga badtrip!"

"Soma okay ka lang?"

"Oo ayos lang ako yung papa mo lang kasi pinahamak ako kanina, Ikaw hindi ka pa ba uuwi gabi na."

"Dito muna ako magkatabi lang naman ang bahay natin at dito na din yata ako kakain okay lang ba?"

"Sige pero ikaw ang magluluto."

"Sige ba anong gusto mong ulam?"

"Nasa ref ang mga ingredients ikaw na ang bahala kung anong gusto mong lutuin."

Tumayo na si Shion at dumeretso na siya sa kusina para magluto ng kakainin namin, Ang laman lang ng ref ay mga cheesedog at itlog kaya silog siguro ang magiging ulam namin.

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon