Chapter 6: DS (Death Stalk)

36 0 0
                                    

Soma POV:

Friday na ng hapon at nandito ako ngayon sa bahay nanonood ng TV at umiinom ng napakasarap kong coke.

Sawakas at Friday na at walang pasok bukas.

Ring! Ring! Ring!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag sakin at ang nakasulat sa cellphone ko na pangalan ay Fenrir.

Shet! ngayon na pala ako lalaban sa mga DS(DeathStalk) panira ng Friday.

Wala akong magagawa kaya sinagot ko nalang "Hello"

"Mr. Zephyrum ngayon ang magiging first mission mo kaya maghanda ka na pupuntahan ka nalang namin mamayang 7:00pm Good bye."

Pagkatapos niyang sabihin ang kaylangan niyang sabihin naghanda na ako agad.

Sinuot ko na ang binigay sakin na jacket na may hoodie at kinuha ko na din ang baril na dessert eagle at nilagyan ko na rin ito ng mga bala at dinala ko din yung survival knife.

Knock! Knock!

May kumatok sa pintuan at tinignan at tinignan ko ang orasan 7:00pm na.

Binuksan ko ang pinto at may isang men in black na may bitbit na shotgun "Ano handa ka na ba?"

Wow ang galing 7:00pm talaga perfect timing.

Lumabas na ako ng bahay at sinamahan ang men in black na may shotgun.

"Sumunod ka saken"

Sinundan ko ang men in black at merong kakaibang nangyayare sa paligid namen.

Kulay green ang kalangitan, ang buwan naman ay kulay yellow at napaka lakas ng liwanag nito sapat na para makita ang buong paligid namin, wala din kuryente kase nakapatay ang mga ilaw sa poste at wala kaming mga tao na madaanan.

"Hoy kuya anong nangyayari sa paligid naten?"

"Wag kang magalala epekto eto ng Timelapse."

"Ano ang Timelapse?"

"Basta malalaman mo din ang tungkol dito pagdating ng panahon ang kaylangan mo lang malaman ay nasa isang mundo tayo na walang ibang tao maliban satin at sa DS."

"Okay naiintindihan ko."

Huminto kami sa paglalakad ng may nakita kaming isang Malaking tao na 7 foot at may matutulis na ngipin na kumakain ng isang tao.

"Nahanap na natin ang DS maghanda ka na pagbilang ko ng tatlo saka tayo magpapaputok."

"Okay"

"Isa Dalawa Tatlo"

Bang! Bang! Bang!

Pinuputukan namin ang DS pero ayaw netong mamatay kahit tamaan ko sa ulo.

"Tamaan mo sa puso!"

Parang hayop ang DS kung tumakbo kase kasama ang mga kamay neto kung tumakbo.

Habang binabaril namin eto palapit siya ng palapit ng sobrang bilis at paglapit neto samen hinampas ako ng DS sa sobrang lakas napalipad ako at tumama sa isang poste.

Sa sobrang lakas ng impact ko nayupi ang posteng nabangga ko.

Bumangon ako kaagad at ginawa ng DS sa kasama ko ang ginawa neto saken pero hindi na kayang bumangon ng kasama ko hindi gaya ko.

Bigla kong naalala na pinalitan ang ibang parte ng katawan ko sa katawan ng DS at nagawa ko din patumbahin ang limang tao ng magisa ko.

Hindi kaya kasing lakas din ako ng DS.

Sinugod ko ang DS bago pa neto tuluyan ang kasama ko at sinuntok ko ang DS sa muka.

Mukang nasaktan ko ang DS sa suntok ko kase napatumba ko eto at bago pa eto bumangon binaril ko na eto agad sa puso para tapusin ang buhay ng halimaw.

Nagawa kong tapusin ang una kong mission ng wala kahit sino samin ang namamatay at papatay nanaman ako ulit DS sa mga susunod na linggo...

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon