Shion POV:
Friday ngayon pero walang pasok hindi dahil holiday ngayon, kaya walang pasok ngayon ay dahil sa nangyari kahapon.
Sinugod nang DS ang ISU at meron isang guard na namatay dahil dun pero nagawa naman din ni Soma na patayin yung DS.
Nasa balita na din ang nangyari at sinabi na din nila na wala muna kaming pasok dahil sa nangyari.
Medyo nagkakagulo na din ang buong mundo dahil mabilis na kumalat ang mga nangyari sa internet, sinasabi nila na ang mga DS daw ay isang Alien, Demonyo, Dinosaur at madami pang iba.
Hindi lang ang mga DS ang pinaguusapan nila pati na din si Soma dahil may nakapagvideo sa kanya na nakikipaglaban sa DS at madami din silang mga bagay na pinagsasabi tungkol sakanya minsan sinasabi nila na isa siyang superhero na nakamaskara minsan naman sinasabi nila na isa siyang halimaw.
Ewan ko nalang kung ano na ang mangyayari sa mundo pagkatapos ng mga nangyari pero sigurado ako na magiging busy ngayon si papa sa Fenrir.
Bumangon na ako sa kama at dumeretso na ako sa banyo para maligo, pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko pumunta ako sa kusina para kumain ng konti bago ako lumabas nang bahay.
Susubukan kong gumawa ngayon nang cookies pero kaylangan ko munang bumili ng ingredients sa at mag grocery.
Paglabas ko ng bahay nakita ko si Soma na naglalakad sa labas nang bahay niya at mukang bagong gising palang siya kase medyo magulo pa ang buhok niya, muka yatang may pupuntahan siya ngayon.
"Hi Soma goodmorning!"
"Anong kaylangan mo?"
Katulad parin ng dati kapag babatihin ko siya nang magandang umaga sasagutin niya nalang ako ng malamig na "Anong kaylangan mo?" pero okay nasanay naman na ako kase talagang masungit na siya lalo na pag umaga.
"Saan ang punta mo?"
"Maggrogrocery lang ako kase naubos na ang supply ng pagkain ko sa bahay."
"Okay magkasama nalang tayong pumunta dahil maggrogrocery din ako eh."
"Bahala ka sa gusto mo."
Nagsimula na ulit maglakad si Soma at tumakbo naman ako sa tabi niya para hindi niya ako iwan.
Tahimik na kami na naglakad paputa sa mall talagang hindi mahilig makipagusap si Soma dahil kanina pa kami naglalakad pero talagang tahimik lang siya na parang hindi kami magkakilala at talagang nakakainis na ang sobrang katahimikan niya.
Nakarating na kami sa mall ng hindi siya nagsasalita kaya ako nalang magsisimula na magsalita kase hindi ko na matiis ang katahimikan na to.
"Ano pala ang mga bibilihin mo?"
"Kahit ano basta nakakain ikaw ba ano ang bibilihin mo?"
"Bibili ako ng mga ingredients para makagawa ako ng cookies."
"Kumain ka na ba?"
Hindi ko inaasahan na magtatanong si Soma tungkol sakin kahit alam ko na plain na tanong lang yan.
"Kase ako gutom na kung nagmamadali ka mauna ka na basta ako kakain muna ako sa foodcourt."
Ngayon ko lang narinig si Soma na sabihin na nagugutom na siya.
"Hindi naman ako nagmamadali kaya sasamahan nalang kita."
Naglakad na kami papunta sa foodcourt at umupo muna ako sa isang table habang hinihintay ko si Soma na nakapila at nagoorder ng pagkain niya.
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.