Chapter 23: Pride

19 0 0
                                    

Soma POV:

Shet monday na ayaw ko pang pumasok at napuyat pa ako kagabi sa kaiisip na papasok na ako ulit hindi lang yun kaylangan ko pang bumawi sa mga na miss ko na lessons dahil isang linggo akong hindi pumasok.

Naglakad ako papuntang ISU dahil walking distance lang naman at hindi na ako sumabay kay Shion na pumasok, ewan ko nga kung nauna na siyang pumasok o natutulog pa siya sa bahay niya.

Pagdating ko sa classroom pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko para bang pinagkamalan nila akong teacher at lumapit sakin sila Totoy at Dingdong.

Totoy: "Hoy Soma saan ka nanggaling isang linggo ka nang hindi pumapasok akala namin nagtransfer ka na sa ibang school buti naman at naisip mo nang pumasok."

Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa taong to hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo kaya tumahimik nalang ako.

Totoy: "Muka yatang madami kang ginawa noong wala ka kung ayaw mong ikwento samin ayos lang."

Ayos nakalusot ako, may kinukuha si Dingdong sa bag niya at ang kinuha niya sa bag niya ay mga xerox copy at binigay niya ang mga to sakin.

Dingdong: "Yan pala ang mga pinagaralan namin noong wala ka."

"Sige salamat mga tol."

Dingdong: "Sige punta na kami ng Computer shop wala kasi tayong klase ngayon sunod ka nalang mamaya kung gusto mong maglaro."

Isa sa mga gusto ko sa school ay kapag walang klase sakto lang at wala pa talaga ako sa mood na magaral ngayon.

Nilagay ko na sa loob ngbag ko yung mga xerox copy na binigay sakin ni Dingdong kanina at iniwan ko na din ang bag ko sa upuan ko kase medyo mabigat at tinatamad akong magbitbit ng bag.

Walang masyadong tao sa classroom malamang nakakalat nanaman silang lahat sa kung saan jan talagang ganito kaming lahat kapag wala talagang klase nakatambay lang kami.

Sa ngayon nagugutom ako kaya kakain nalang muna ako sa canteen pagkatapos maglalaro na ako sa computer shop.

Paglabas ko ng classroom papasok palang si Shion at mukang nagmamadali siya ang akala niya siguro late na siya kase pagpasok ko ay late na dapat ako buti nalang walang klase.

"Hoy walang klase."

"Ano? Seryoso ka!"

Pinapasok ko siya sa loob para malaman niya talaga na walang klase at hindi ako nagbibiro.

"Grabe akala ko late na ako buti nalang walang klase no."

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon