Soma POV:
Nagsawa na ako sa pakikinig ng music kaya binuksan ko ang TV at naghanap ng magandang mapapanood.
Ang napili kong channel ay star movies ang palabas ay Red Dawn. Habang patalastas palang kumuha ako ng isang litrong coke sa ref at umupo na ako ulit.
Habang naghihintay ininom ko na yung litrong coke sa bote hindi na ako nagbaso kase madadagdagan nanaman ang huhugasan ko.
Nang magsisimula na ang palabas biglang may kumatok sa pintuan bad trip talaga ang galing ng timing pambihira.
"Tao po!"
Shion POV:
Kumakatok ako ngayon sa pintuan ng bahay at walang sumasagot wala yatang tao pero naririnig ko naman yung TV.
Sinubukan ko ulit kumatok para makasigurado ako kung wala ba talagang tao.
Nang bumukas na ang pinto nakita ko si Soma na may hawak na isang litrong coke at magulo ang buhok mukang kagigising niya palang.
Teka lang si Soma nanaman ang tinutukoy ni Papa ano ba yan sa dinamidaming empleyado ni Papa bakit si Soma pa natatakot panaman ako kay Soma.
"Ah Shion ikaw pala anong kaylangan mo?"
Lagot anong sasabihin ko nakakahiya naman kung hihingi ako ng tulong sa kanya sa mga gamit ko bakit si Soma pa kase.
Tinititigan ni Soma yung mga gamit ko sa likod ko. Lagot ako kaylangan kong magsalita baka kung ano pa ang isipin niya kaya ko to.
"Kumusta Soma simula sa araw na to magiging mag kapitbahay na tayong dalawa ngayon pwede mo ba akong tulungan sa mga gamit ko."
O may gawd! parang inuutusan ko siya sa mga sinabi ko sa kanya lagot ako baka saktan niya ako.
"Okay sandali lang garod at papatayin ko muna yung TV."
"Okay"
Teka lang pumayag si Soma...
Soma POV:
Sa totoo lang ayokong tulungan ang babaeng to pero dahil anak siya ng boss ko wala akong magagawa at baka isumbong niya pa ako kay boss.
Tagabuhat lang naman ako ng mga gamit niya at siya na ang bahalang mag ayos ng gamit.
Napansin ko medyo magkahawig ang bahay namin ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng mga bahay namin yung bahay niya kase mas makulay at muka talagang pangbabae habang ang bahay ko naman ay simple lang ibang iba talaga kapag rich kid.
"Thank you Soma ako na ang bahala dito pwede ka nang umuwi"
"Sige garod alis na ako kung may kaylangan ka pa kumatok ka lang sa bahay."
Napapansin ko kay Shion na medyo nilalayuan niya ako at iniiwasan niyang tignan ako sa mata natatakot yata siya sakin. Muka ba talaga akong nakakatakot.
Babalik na sana ako sa bahay pero hinili niya ang likod ko.
"Teka Soma bat mo pala hindi sinasagot ang mga tawag ko kanina."
"Ah ikaw pala yun hindi ko kase alam kung sino kaya hindi ko nalang sinagot."
"Ano! Hindi mo lang alam kung sino yung tumatawag hindi mo na sinagot pano nalang kung isang emergency yun ha!"
"Sorry po hindi na po ako uulit."
"Dapat lang hindi mo ba alam kung gaano ako nahirapan para tawagan lang kita."
Pambihira ang babaeng to bigla kong naalala kung gaano kaingay ang mama ko. Muka yatang kahit wala ang mama ko dito nandito naman si Shion para sirain ang tahimik kong buhay.
Simula ngayon magkakaroon na ako ng classmate,kapitbahay at mama in one...
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.