Introduction

85 2 0
                                    

Ako si Soma Zephyrum isa lang akong normal na estudyante hindi ako mayaman o mahirap.

Isang araw gumulo ang tahimik kong buhay dahil sa kabobohan ko.

Tinulungan ko ang isang batang babae na masasagasaan ng isang truck.

Tinulak ko ang babae paalis sa kalsada at dahil dun ligtas ang babae pero ako naman ang nadale.

Nagising ako sa hospital at nang tinignan ko ang katawan ko meron akong mga marka ng sugat na natahe.

May tahe ako sa puso na paekis sa tiyan naman ay maliit na hiwa at sa likod naman ay malaking hiwa.

May pumasok sa kwarto na dalawang lalake na nakasuot ng black suit parang sa men in black.

"Mr.Zephyrum nandito kami para kausapin ka"

Ang sabi nila sakin na meron daw mga halimaw na tinatawag nilang mga Death Stalk o DS.

Gabi gabi na may lumilitaw na DS at kumakain ng mga tao.

Kasapi sila sa isang organisasyon na tinatawag nilang Fenrir trabaho nila na pumatay ng mga DS upang hindi sila dumami.

Patay na daw dapat ako pero pinalitan nila ang ibang organs ng katawan kong nasira sa organs ng isang nahuli nilang DS.

Ang pinalitan nila ay ang puso ko at ang isang kidney ko.

Kaylangan daw nila ang tulong ko para patayin ang mga DS gabi gabi.

"Wow ang galing dami kong tawa mga walo ano to Wow Mali."

Lumapit sakin yung isang lalake at may binigay siya saking brief case.

"Sige buksan mo para malaman mo kung nagbibiro ba kami o hindi."

Nang binuksan ko ang brief case may laman itong isang Barel na Desert Eagle ,Dalawang Lalagyan ng bala na may laman na, Isang maliit na kahon ng bala at isang survival knife.

"Mr. Zephyrum meron ka lamang dalawang papipilian. Tutulungan mo kaming labanan ang mga DS o papatayin ka nalang namin total patay ka naman na dapat ngayon."

Pagkatapos niyang sabihin yun tinutukan ako ng kasama niya ng barel at sinabi niya " O ano bata mamili ka na."

Wala akong pagpipilian kaya tutulungan ko nalang sila"Oo na payag na ako tutulungan ko kayo."

"Maraming salamat Mr.Zephyru

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon