Shion POV:
Now Showing na ngayon ang Maria Leonora Teresa at balak kong panoodin ito pero ayoko naman manood ng magisa kase lonely.
Tinawagan ko sila Emi,Alex,Totoy at Dingdong at pumayag naman silang manood kasama ko ngayon si Soma nalang ang natitira.
Hindi ko na siya kaylangan tawagan sa cellphone niya kase magkatabi lang naman ang bahay namin kaya pupuntahan ko nalang siya pagkatapos kong maligo at magbihis.
Kumatok ako sa pintuan ng bahay ni Soma.
"Soma! Si Shion to!"
Biglang bumukas ang pintuan at nasa harapan ko na ngayon si Soma na nakasuot ng plain black na T-shirt at pantalon at mukang inaantok siya.
"Anong kaylangan mo?"
"Hi Soma manonood kami nila Emi ng sine gusto mo bang sumama saamin maganda kase ang showing ngayon sa SM."
Lumabas ng bahay si Soma at nilock niya ang pintuan.
"Tara na garod kanina pa ako walang magawa sa bahay."
"Okay! Lets Go!"
(Ayos sasama si Soma akala ko tatanggihan niya ako.)
Nakarating na kami ni Soma sa SM at hinihintay na kami nila Emi sa entrance sakto lang ang pagdating namin.
Emi: "Shion! Soma! Nandito kami!"
Shion: "Kanina pa ba kayo dito naghihintay?"
Emi: "Halos kadadating lang naman namin."
Shion: "Ah okay."
Alex: "Hi Shion kumusta na."
Shion: "Hi Alex."
Totoy: "Hoy Soma wassup men."
Dingdong: "Musta na brad."
Soma: "Ayos lang medyo naiinitan lang ako tara na kaya sa loob."
Emi "Oo nga tara na baka magsimula na ang movie."
Pumasok na kami sa SM at dumeretso na kami sa sinehan para bumili ng ticket pero 20 minutes pa bago magsimula ang movie kaya namasyal muna kami ng konti.
Habang naglalakad kami masyadong malapit sakin si Alex at naririnig ko ang mga tao na pinaguusapan kami sinasabi nila na ang ganda ko daw at ang gwapo daw ni Alex at bagay daw kaming dalawa.
Iniisip nila siguro na magsyota kaming dalawa ni Alex hindi ko alam kung naririnig ni Alex sila pero mukang masaya si Alex kase kanina pa siya nakangiti.
Emi: "Hoy magsisimula na ang movie tara na!"
Alex: "Okay tara na Shion."
Nasa loob na kami ng sinehan at magsisimula na ang movie at madilim dito sa loob.
Habang naghahanap kami ng upuan hawak ni Alex ang kamay ko at hinihila niya ako sa mga bakanteng upuan at sumunod naman samin sila Emi.
Sa totoo lang ayoko ang pakiramdam na hinahawakan ni Alex ang kamay ko kase kung umasta siya parang boyfriend ko siya kaya hinila ko ang kamay ko para bitawan niya ako at umupo ako sa tabi ni Soma at umupo naman si Alex sa tabi ko.
Soma: "Teka ano pala ang papanoodin natin?"
Emi: "Maria Leonora Teresa yung manika ay."
Soma: "Teka lang anong sinabi mo!"
Dingdong: "Oo nga pala naalala ko na takot pala si Soma sa mga manika hehehe."
Shion: "Ano takot si Soma sa manika."
Hindi ako makapaniwala na sa dinami daming bagay na pwedeng katakutan ni Soma ay sa manika pa talaga.
Tinatakpan ni Soma ang mga mata niya gamit ng isang kamay niya at minsan sumisigaw pa siya kapag nakikita niya ang manika tapos tahimik na tinatawanan siya ni Alex at nakaconcentrate naman sila Emi,Totoy at Dingdong na nanonood.
Sinubukan ni Alex na hawakan ulit ang kamay ko pero iniiwasan ko na hawakan niya ang kamay ko kaya hindi niya ito mahawakan asa pa siya.
Nagaalala ako kay Soma kaya dahan dahan kong hinawakan ang kamay ni Soma na nakapatong sa upuan niya at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit sigurado ako na natatakot talaga si Soma.
"Wag kang matakot Soma kasama mo ako dito kaya relax ka lang."
Tinigilan na ako ni Alex at hindi na niya tinatawanan si Soma at mukang seryoso na siyang nanonood ngayon ng movie buti naman at tumigil na siya.
Aaminin ko na gwapo si Alex pero ayoko sa ugali niya sa tingin niya kase mapapasakanya ang kahit na sinong babae na magugustuhan niya.
Si Soma naman ay hindi gwapo at masungit pero alam ko na kahit ganito siya meron siyang gwapo na pagkatao at magaan ang loob ko sa kanya kaya gusto ko siya hindi ko pala siya gusto mahal ko na siya......
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.