Soma POV:
Mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong kainin ang DS at meron akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko pero masarap naman ang nararamdaman ko ngayon parang mas lumalakas ako.
Hinihintay ko ngayon si Jota na pumasok sa kwarto at kanina pa ako hindi makapakali na makita at durugin siya gamit ng aking mga kamay.
Gusto ko siyang pahirapan, saktan at magmakaawa para sa buhay niya gusto kong maranasan niya ang lahat ng paghihirap ko dito sa kulungan bago ko siya patayin.
Pumasok na sa kwarto si Jota sa wakas at mukang nagulat siyang makita akong buhay pa pero bumalik din agad ang ngiti sa muka niya.
"Hoy Jota ang tagal mo kanina pa kita hinihintay."
"Nasaan na ang DS na iniwan kong kasama mo kanina?"
"Hulaan mo."
"Hahaha! muka yatang nagbago ka na."
Sinipa ko ang pintuan ng kulungan at nabuksan ito.
"Halika dito at maglaro tayo diba laroan mo ako."
Naka ngiti si Jota na pumasok sa loob ng kulungan.
"Hahaha! Kung ganun sisirain na garod kita."
Nagbago ang mga kamay ni Jota kagaya ng dati pero hindi na mauulit ang ginawa niya sakin dati dahil lalaban na ako.
Ang dami na ng pinagdaanan ko, hindi ako papayag na mamatay dito sa lugar na to, gusto kong makalaya sa impyerno na lugar na to at patayin ang hayop na nagkulong sakin dito.
Nagsimula nang sumugod si Jota.
"Hahaha! Katapusan mo na Soma!"
Hihiwain na ako ni Jota gamit ng ispada niya pero mabagal siyang kumilos kaya madali kong naiwasan ang pagatake niya.
Ilang beses niya akong sinubukan hiwain pero naiiwasan ko ang lahat ng atake niya.
"Hoy Jota ang bagal mo tamaan mo naman ako."
"Tumahimik ka!"
Nagawa niya akong saksakin sa katawan at binato niya ako sa pader.
"Hahaha! Ano Soma! Masakit ba!"
Mabilis na gumaling ang sugat ko kaya nagawa kong bumangon agad.
"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mong paghihirap sakin sa tingin mo ba matatawag ko pang masakit yun."
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomantizmSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.