Chapter 21: Pagbabalik

22 1 0
                                    

Shion POV:

Sabado:

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiiyak at nakakulong ako ngayon sa kwarto ko niyayakap ang maskara ni Soma.

Mahal ko si Soma at hindi ko lang man nasabi sa kanya yun bago siya namatay.

Grabe ang sakit talaga pakeramdam ko parang sinasaksak ako ng kutsilyo sa puso ko ng paulit ulit, Masakit pala talagang mawalan ng taong minamahal.

Si Soma ang first love ko, Kahit hindi siya kagwapuhan at masungit mabait naman siya at handa siyang ipagtanggol ang kahit na sino.

Kagabi pa pala ako hindi kumakain kaya nagugutom na ako siguro kukuha na muna ako ng makakain ko sa ref.

Pagbaba ko sa hagdanan meron akong narinig na malakas na pagbagsak sa labas kaya lumabas ako para tignan yun.

Paglabas ko nakita ko na sira ang pintuan ng bahay ni Soma meron sigurong nagbabalak na nakawan si Soma.

Nakakainis patay na nga lang si Soma tapos meron pang nagbabalak na magnakaw sa bahay niya.

Tatawagan ko na sana ang mga polis pero wala akong load kaya pumunta ako sa kusina at kumuha ng kutsilyo para meron akong magagamit para ipagtanggol ang sarili ko bago ako pumasok sa bahay ni Soma.

Dahan dahan akong pumasok sa bahay ni Soma at meron mga dugo sa sahig, Natatakot na akong magpatuloy pero pinilit ko pa rin tumuloy.

Ang mga marka ng dugo ay papunta sa 2nd floor kaya pumunta ako sa second floor at huminto ang marka ng dugo sa unang pintuan sa second floor.

Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa to nababaliw na yata ako pero huli na para bumalik ako kaya ipagpapatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Naririnig ko na lalabas na siya sa kwarto kaya hinanda ko na ang sarili ko para saksakin kung sino man ang nasa loob.

Kaya ko to kaylangan kong maging matapang para kay Soma.

Pagbukas ng pintuan sinaksak ko na siya agad hindi na ako nagabala na tignan ang muka niya at nasaksak ko ang balikat niya at dumudugo na siya.

Hindi siya sumigaw at ang baho niya kaya pagbitaw ko sa kutsilyo sinipa ko siya sa tiyan para bumagsak siya sa sahig at makita ko na ang muka niya.

Napaupo siya sa sahig at kilala ko kung sino siya, Nagulat ako at hindi ako makapaniwala siya si Soma.

Nagmadali akong lumapit kay Soma at pumatong ako sa binti niya at hinawakan ko ang muka niya para malaman ko kung totoo ba ang nakikita ko ngayon, Totoo siya buhay pa si Soma.

Nahihiya akong umiyak sa sobrang tuwa sa harapan ni Soma pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko ngayon kaya umiyak nalang ako.

Mukang malungkot si Soma at ito ang unang beses na nakita kong malungkot siya.

Ang baho ni Soma at puro butas at dugo ang damit na suot niya ngayon at nakalimutan ko na sinaksak ko siya sa balikat kanina.

"Soma! Pasensya na! Hindi ko sinasadya! Patawadin mo ko!"

Biglang hinila ni Soma ang kutsilyo na sinaksak ko sa balikat niya ng walang kahirap hirap parang wala siyang naramdaman at binato niya ang kutsilyo palayo.

"Soma Sorry!"

"Wag kang magalala ayos lang ako sugat lang to."

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon