Chapter 19: Impyerno

16 0 0
                                    

6 Days Earlier...

Soma POV:

Pagkatapos akong saksakin at mahimatay nagising ako sa loob ng isang malaking kulungan at hindi ko na suot ang maskara ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero masaya ako at buhay pa ako nakalimutan ko na mabilis gumaling ang mga sugat ko kagaya ng mga DS.

Nasa loob ako ngayon ng isang malaking kulungan at hindi ko alam kung umaga na ngayon o gabi kase sa labas ng kulungan ay isang malaking kwarto na walang bintana pero meron mga light bulb, air vent at isang pintuan.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Jota na may kasamang DS hindi ko mahanap kung nasaan ang baril at kutsilyo ko kaya sigurado ako na kayang kaya nila akong patayin ng walang kahirap hirap.

"Hoy Soma magandang umaga kumustang buhay hehehe."

"Nasaan ako!"

"Nandito ka lang naman sa entertainment room ko diba sinabi ko sayo na gagawin kitang laroan ko."

Binuksan ni Jota ang pintuan ng kulungan at pumasok ang kasama niyang DS sa loob saka niya sinara ang kulungan ulit.

"Gusto lang naman kitang panoodin na mahirapan at masaktan hanggang sa hindi mo na kayang lumaban hahaha!"

Sumusugod na sakin ang DS at wala akong matatakbuhan at wala din akong mahanap na sandata na magagamit para ipagtanggol ang sarili ko.

Paglapit sakin ng DS sinaksak ako nito gamit ng matutulis na kuko nito at binuhat niya ako gamit ng isang kamay niya na nakasaksak sa katawan ko ngayon at hinagis ako palayo.

Tumama ako sa matibay na kulungan at naramdaman kong nabali ang buto ko at hindi ako makagalaw.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa tingin ko walang kahit na sino ang kayang tumiis sa nararamdaman kong sakit ngayon.

"Hahaha! Ano na Soma! Lumaban ka naman!"

Nilapitan nanaman ako ng DS at binato nanaman niya ako sa bakal ng kulungan at wala akong magawa hindi ko kayang lumaban ng ganito nakakainis.

Binuhat nanaman ako ng DS at ang akala ko ibabato niya nanaman ako pero hindi mas malala pa ang ginawa niya sakin.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"

Kinain niya ang kanang balikat ko saka niya ako binato ulit at hanggang ngayon hindi pa din ako makagalaw.

"Hahaha! Hoy! Tama na muna yan sa ngayon bukas nalang tayo ulit maglalaro."

Binuksan ni Jota ang pintuan ng kulungan at lumabas na ang DS sa kulungan saka niya ito sinara ulit.

"Hahaha! Natuwa talaga akong panoodin ka Soma magkita nalang tayo bukas at magpagaling ka para may laban ka naman."

Pagkatapos niyang magsalita lumabas na si Jota kasama ang DS sa kwarto at naiwan ako sa kulungan na sugatan at nagiisa.

Araw araw akong pinupuntahan ni Jota sa kulungan at lagi niya akong nilalaban sa DS na kasama niya at palagi akong pinapahirapan at kinakain.

Kapag alam na ni Jota na hindi ko na kaya at mamamatay na ako pinapabayaan na nila ako at hihintayin nanaman nilang gumaling ang mga sugat ko saka nila ulit ako papahirapan at kakainin.

Apat na araw na nila akong ginaganito at nasasanay na ako sa sakit ang pinoproblema ko nalang ay ang pagkain dahil gutom na gutom na ako.

Hindi nga nila ako pinapatay pero mamamatay naman ako sa gutom kaylangan kong kumain walang hanggang sakit at pagdurusa ang pinaparamdam nila saakin pwede ko nang tawagin ang lugar na to bilang isang impyerno.

Ngayon na ang panglimang araw ko dito sa impyerno na to at gutom na gutom na talaga ako sa tingin ko kaya ko nang kainin ang sarili ko sa sobrang gutom ko.

"Hoy Soma may magandang balita ako para sayo."

"......"

"Hahaha! Muka yatang gutom ka na talaga pero wag kang magalala dahil hahayaan na kitang mamatay ngayon."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya dahil hahayaan na din niya akong magpahinga ng tuluyan.

Pinapasok na ni Jota ang DS sa kulungan ko.

"Naboring na kase akong panoodin ka araw araw kaya papatayin na kita."

"......"

"Aalis na ako Soma paalam hahaha!"

Lumabas na si Jota sa kwarto at iniwan na niya kaming dalawa sa kulungan at sumugod na sakin ang DS.

Binuhat ako ng DS at hinihila niya ang kanang kamay ko ng sobrang lakas hanggang sa maputol ang kamay ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAhhhhhhh!!!"

Nang naputol niya ang kamay ko binato na niya ako papalayo at kinakain na niya ang kamay ko.

Wala na ang kanang kamay ko kinakain na niya ito nakakainggit dahil gusto ko din kumain.

Pagkatapos niyang ubusin ang kamay ko binuhat niya ako ulit at hinihila niya naman ngayon ang kaliwang kamay ko pero ngayon inuntog ko siya gamit ng ulo ko.

Nahilo siya sa ginawa ko at dumudugo ang ulo ko sa tingin ko ay nasisiraan na ako ng bait dahil gusto kong kainin ang DS na nasa harapan ko ngayon bahala na.

"AKO NAMAN!!!"

Sinugod ko ang DS at sinuntok ko ito gamit ng kaliwang kamay ko dahil dito napatalikod ang DS at kinain ko ang batok niya.

Lasang pinapaitan ang DS at ayaw ko sa pinapaitan pero hindi ako dapat maging mareklamo kase gutom na talaga ako.

Hindi makagalaw ang DS kaya sinimulan ko nang kainin siya kahit hindi masarap.

Kinain ko ang DS at wala akong tinira kahit buto at biglang bumalik na ang kanang kamay ko na kinain ng DS.

Meron akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko pagkatapos kong kainin ang DS parang mas lumakas ako at mas bumilis ang paggaling ng mga sugat ko.

Meron pa akong isang bagay na nararamdaman na hindi ko maipaliwanag pero sigurado ako na maganda ito kahit ano man ito......

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon