Soma POV :
Bad trip talaga shet! ako nanga ang tumulong ako pa pinagalitan ni Maam shet talaga.
Sa ngayon kasama ko ang isang man in black sa loob ng kotse meron daw silang bahay na binili para sakin lang kase hindi na muna daw ako pwedeng umuwi samin kase baka mapahamak ang pamilya ko.
Nagpaalam naman na daw sila sa magulang ko at tinawagan ko na din sila at okay lang naman.
Huminto na kami sa isang bahay na sa tingin ko ay two floors.
Pagbaba ko sa kotse may binigay siya sakin ang Susi ng bahay at dalawang briefcase.
"Simula ngayon dito ka na titira at sayo na ang buong bahay na to kung may kaylangan ka tawagan mo lang kami at kung may kaylangan kami tatawagan ka namin yun lang paalam."
Umalis na ang men in black at iniwan niya sakin etong dalawang floor na bahay nag loloading palang ang utak ko sa mga sinabi niya sakin.
Pagkatapos kong magloading pinasok ko na ang sarili kong bahay hehehe.
Nilibot ko muna ang first floor at merong living room na may flat screen tv, Kusina na may ref na may laman na din na pagkain at isang malinis na banyo.
Grabe pang mayaman ang bahay na to kung ikukumpara ko eto sa bahay namin parang magkapareho lang pero mas malaki at malawak parin ang bahay namin.
Pagakyat ko sa second floor ng bahay Merong dalawang kwarto.
Ang unang kwarto may isang kama, bintana, computer at isa nanamang banyo. Syempre eto na ang magiging kwarto ko.
Ang pangalawang kwarto naman ay naka lock pero nabuksan ko naman gamit ng susi ng bahay yung susi pala ay master key ng bahay.
Ang kwarto ay walang bintana tapos yung mga pader naman ay bullet proof tapos merong tatlong hugis tao na pwedeng gamitin pang target practice.
Binuksan ko ang unang briefcase ang laman ay isang barel na Dessert Eagle at mga bala.
Ang laman naman ng isang briefcase ay isang black longsleeve na hoodie at isang survival knife.
Syempre hindi na ako nagdalawang isip at nag shooting na ako...
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.