Shion POV:
"Sunday"
Ngayong linggo papunta na ako sa bahay na binili ni Papa para sakin.
Malayo kase ang mansyon na tinitirahan namin ni shika sa school na pinapasukan ko at dalawang oras ang biyahe papunta dun kaya naisipan ni Papa na bilihan ako ng bahay na malapit sa school para hindi na ako hatid sundo sa school.
"Pa sigurado po ba talaga kayo na bibili kayo ng sarili kong bahay."
"Oo ayos lang yun wag kang magalala."
"Eh Pa akala ko ba dilikado para sakin na mamuhay ng magisa ko lang at pano kung may kaylangan ako."
"Alam ko na kaya mo nang mamuhay ng magisa mo lang tapos magiging kapitbahay mo naman ang isa sa mga empleyado ko at kung may kaylangan ka sa kanya mo nalang sabihin."
"Babae po ba siya o Lalake."
"Lalake siya at medyo masungit pero kahit ganun yun mabait naman at mapagkakatiwalaan."
"Sino po ba siya?"
"Secret ko na yun malalaman mo nalang yun pagdating mo dun."
Pagkatapos namin mag usap ni Papa tumahimik nalang ako at tumingin sa bintana.
Kumusta na kaya si Soma hindi ko siya masyadong nakausap kahapon kase umalis na siya agad hindi ko lang man natanong sa kanya kung bakit siya nagtratrabaho kay Papa.
Ay oo nga pala meron pala sakin yung number ni Soma pero medyo kinakabahan akong kausapin si Soma kahit sa cellphone lang hindi ko alam kung bakit siguro natatakot ako kay Soma.
Medyo naboboring na ako dito sa kotse kanina pa ako nakaharap sa bintana kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagan si Soma.
Tinatawagan ko na si Soma pero hindi siya sumasagot sinubukan ko ulit siyang tawagan at wala parin limang beses ko na siyang sinubukan tawagan pero wala paring sumasagot nakakainis!!!
Huminto na ang sasakyan siguro nandito na kami kaya binulsa ko na ang cp ko at lumabas sa kotse.
Soma POV:
Nakahiga ako ngayon sa sofa at nakikinig ng mga music sa cp ko mahilig ako sa mga rock music at tuwing nagpapatugtog ako lagi akong naka speaker at sinasagad ang volume.
Buti nalang magisa lang ako sa bahay kase kung nandito ang mga magulang ko siguradong papagalitan ako.
Habang nakikinig ako ng Canon Rock biglang napalitan eto ng We are Electric at nagbabaybreyt yung cp ko.
May tumatawag ata sakin kase We are Electric yung ringtone ng cp ko. Nang tinignan ko yung screen ng cp ko may tumatawag nga pero walang pangalan number lang ang nakasulat.
Hindi ko na pinansin at hinayaan ko nalang yung cp kong nagriring na tumutugtog ng We are Electric.
Tinatamad akong makipag usap ngayon at ayokong icancel yung tawag kase gusto ko munang makinig ng We are Electric kase trip ko lang.
Nakatulog ako ng konti pero nagawa ko paring mag laway kahit sandali lang ako nakatulog.
Habang nililinisan ko ang laway sa bibig ko napansin kong hindi na tumutugtog ang cp ko.
Tinignan ko yung cellphone ko at meron akong limang miss call galing sa number na tumatawag sakin kanina.
Sino kaya tong tumatawag na to?... Eh sa totoo lang wala naman akong pakealam eh kaya kumuha nalang ako ng isang litrong coke sa ref kase medyo nauuhaw na ako.
Shion POV:
Pagbaba ko ng sasakyan naka harap ako sa isang bahay na dalawang floor.
"Shion anak dito ka muna titira ano ayos ba?."
"Ah Papa hindi ba parang ang laki ng bahay na to para sakin."
Grabe ang akala ko isang simpleng bahay lang ang binili niya hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang bibilihin niya.
"Okay lang yan kung gusto mo magpadala pa ako ng katulong para may kasama ka."
"Ah okay lang Pa hindi na kaylangan kaya ko na ng magisa."
Hindi purket mayaman kame hindi ibig sabihin nun na hindi ko na kayang mabuhay ng magisa magaling kaya ako sa mga gawaing bahay.
"Ah anak aalis na ako maypupuntahan pa ako eh. Kung kaylangan mo ng tulong sa paglilipat ng mga gamit mo kumatok ka lang sa kapitbahay mo."
Kalsada ang nasa harap at kanan na bahagi ng bahay at may isang bahay kaliwang bahagi.
"Pa yung bahay ba sa kaliwa ang tinutukoy mo."
"Oo anak jan nakatira yung isang empleyado sige anak alis na ako."
Sino kaya ang kapitbahay ko gusto ko muna siyang makilala kaya sa tingin ko ay hihingi ako sa kanya ng tulong sa mga gamit ko.............
...................................................... .......... ..................................................
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.