Chapter 12: Sugat

41 0 0
                                    

Soma POV:

Kauuwi ko lang sa bahay galing school binato ko na lang ang bag ko sa isang tabe at hinubad ko na ang polo at puting t-shirt ko at dumeretso na akong humiga sa sofa at binuksan ang TV ang palabas sa star movies ay Robo cop.

Nakakainis talaga ang Shion na yun masyado siyang friendly kahit hindi ko siya papansinin ako naman ang pinapansin niya.

Habang nanonood ako ng Robo cop medyo nakakarelate ako sa kwento kase halos magkapareho ang nangyari sakin at sa bida.

Pareho kaming naaksidente at pag gising namin hindi na kami katulad ng dati at tuluyan nang magbabago ang normal na buhay namin.

Tinignan ko ang mga sugat ko sa katawan na natahi may tahi ako sa puso at sa tiyan kung bumilis ang regeneration ng katawan ko bakit garod hindi pa nawawala ang mga marka ng sugat ko sa katawan.

Kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at sinugatan ko ng konti ang daliri ko at mabilis na gumaling ang sugat.

Sinubukan ko nanaman sugatan ang kamay ko pero nilakihan ko naman ngayon ang sugat kaysa sa kanina at mas masakit na ngayon pero mabilis din gumaling ang sugat kagaya kanina.

Gusto kong malaman kung gaano ba talaga kabilis ang regeneration ko at kung hanggang saan lang ang hangganan ng pagregen ng katawan ko.

Hindi na siguro kayang pagalingin ng katawan ko ang mga tahi ko sa katawan.

Subukan ko kayang saksakin ang sarili ko tignan natin kung magmamarka ba ang sugat sigurado ako na masakit yun pero kung hindi ko gagawin to hindi ko malalaman kung ano ang hangganan ko.

Game nakapatong na ang kaliwang kamay ko sa lamesa at nakahanda na ang kanang kamay ko na saksakin ang kamay ko sa lamesa wala nang atrasan to 1...2...3!

AAAAAAAAAAAAAAAAhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Shet! ang sakit! agad ko nang inalis ang kutsilyo na nakasaksak sa kamay ko at binilangan ko ang kamay kong gumaling 1...2...3...4...5...6...7...8.

Pagkatapos ng 8 seconds maayos na ang kamay ko at walang naiwan na marka ng sugat. Ang galing parang hindi ko sinaksak ang kamay ko.

Knock! Knock! Knock!

"Soma! si Shion to ayos ka lang! may narinig akong malakas na sigaw kanina."

(Shet lagot ako kapag nakita niya akong duguan.)

Binilisan kong hugasan ang kamay ko at nilinisan ang mga dugong nakakalat sa lamesa at sinuot ko na ang t shirt ko kanina bago ko buksan ang pinto.

"Ayos lang ako anong kaylangan mo?"

"Sigurado ka ano garod yung narinig kong sigaw kanina?"

"May ipis lang kaseng lumipad sa muka ko kanina kaya nagulat ako at sumigaw."

"Ah ganun ba grabe akala ko kung ano na ang nangyari sayo."

"Ano may kaylangan ka ba?"

"Ah wala tinignan ko lang kung ayos ka lang."

"Ayos lang ako kaya pwede ka nang umalis nanonood pa ako ng robocop."

"Pasensya na kung naistorbo kita Soma basta kung kaylangan mo ng tulong puntahan mo lang ako."

"Kaya ko nang alagaan ang sarili ko pero salamat."

"Walang anuman Soma."

Pagkatapos nun humiga na ako ulit sa sofa para manood ng TV masyado talagang mabait ang babaeng yun...

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon