Chapter 17: Tao o DS

22 0 0
                                    

Soma POV:

Hinahanap ko ngayon ang DS pero kanina pa ako walang mahanap halos magiisang oras na ako ditong naghahanap.

Suot ko ngayon ang maskara ko dahil ang utos ni boss suutin ko daw to kapag papatay ako ng DS pero ayos lang kase astig naman yung maskara at pakeramdam ko mas malakas ako kapag suot to.

May nakita akong tao na nakatayo sa harapan ko at medyo masama ang nararamdaman ko sa taong ito kaya tinutukan ko siya ng baril.

"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya sakin dahil sa sinabi ko parang nangaasar lang.

"Sino ako hehehe ako si Jota at nandito ako para sayo Soma."

"Bakit mo alam ang pangalan ko at ano ang kaylangan mo sakin."

Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa taong to.

"Hahaha Soma ano ka ba sa tingin mo hindi ka tao at hindi ka DS kaya ano ka."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Isa akong DS na hugis tao pero kahit mukang tao ako DS talaga ako at mas malakas pa ako sa isang simpleng DS kaya kung ako sayo ibaba mo na ang baril."

(Kung ganun isa siya sa mga DS na tao na sinasabi ni boss.)

Hindi ko sinunod ang gusto niya at nakatutok padin ang baril ko sa kanya.

"Soma dederetchohin na kita gusto kitang gawin alagad ko at gusto kong tulungan mo ako sa plano kong pabagsakin ang Fenrir at maghari sa mundo."

"Asa ka pa!"

Nababaliw na ang DS na to kung iniisip niya na tutulungan ko siya.

"Pagpipiliin kita kung tatalikuran mo ang pagiging tao mo at sasamahan mo ako sa mga plano ko gagawin kitang kanang kamay ko pero kung tatalikuran mo naman ang pagiging DS mo gagawin kitang laroan ko."

Pagkatapos niyang sabihin yun madaming DS ang nagpakita sa paligid at pinalibutan nila kaming dalawa para wala akong tatakbuhan.

Nagbabago ang mga kamay ni Jota at naging kamay ng halimaw na may mahahaba at matutulis na kuko ang kaliwang kamay niya habang ang kanan na kamay niya naman ay naging isang matalim na ispada.

Wala na akong tatakbuhan at alam ko na ito na ang katapusan ko pero kung papayag ako na maging alagad niya hahayaan niya pa akong mabuhay.

"Ano na ngayon Soma sasamahan mo ba ako o gagawin kitang laroan ko."

"Bahala na."

Pinutok ko ang baril ko sa puso ni Jota pero sinalag lang ito ng ispada niya at pinagpatuloy ko pa rin ang pagpapaputok sa puso niya pero sinasalag lang ito ng ispada niya hanggang sa maubusan na ako ng bala.

Nang naubos na ang bala ko nagsimula nang sumugod si Jota at sasaksakin na niya ako ng ispada niya hindi na ako nag abala na umilag dahil alam ko na dito na din ako mamamatay.

Nang sinaksak ako ni Jota sa tiyan sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon at tumagos sa likod ko ang ispada niya at onti onting dumidilim ang paningin ko.

Eto na siguro ang katapusan ko pero sa tingin ko matagal na dapat akong patay dapat namatay na ako sa aksidente dati pero pinayagan pa nila akong mabuhay.

Kung hinayaan nalang sana nila akong namatay dati hindi na sana ako nagdurusa sa sakit ngayon at hindi na din sana ako mamamatay sa ganitong paraan.

Ayoko pa sanang mamatay gusto ko pang makita ang magulang at mga kapatid ko gusto ko pang makita ang mga kaibigan ko at si Shion.

Kung namatay siguro ako sa aksidente dati hindi ko na siguro nakilala sila Shion, Shika at Boss Seijuro.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit dahil pinayagan pa nila akong mabuhay o magpasalamat.

Magpapahinga nalang siguro ako...

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon