Chapter 24: Simeon

20 1 0
                                    

Soma POV:

Friday na pero hindi daw muna ako lalaban sabi ni boss magpahinga nalang muna daw ako magaasign nalang daw muna si boss ng ibang tao na papalit sakin.

Kakauwi ko lang sa bahay at medyo nahihilo ako ewan ko kung bakit wala naman akong lagnat at wala naman din akong ginawa buong maghapon kundi umupo at makinig lang sa klase.

Humiga nalang muna ako sa sofa tapos binuksan ko ang TV para manood ng star movies at ang palabas ngayon ay Enders game.

May taong kumakatok sa pintuan si Shion nanaman siguro yun.

"Soma si Shion to pwede ba akong pumasok?"

Binuksan ko ang pintuan at nasa labas ng bahay si Shion na may hawak na supot ng puregold.

"Anong kaylangan mo?"

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa bakit?"

"Kakatapos ko lang mag grocery at gusto ko sanang magluto ng adobong manok at sa tingin ko medyo madami ang nabili kong manok kaya hindi ko kayang ubusin."

"So gusto mong magluto dito sa bahay at paghatian natin ang adobo."

"Oo gusto mo ba?"

"Sige pumasok ka na."

Pinapasok ko na si Shion sa bahay at dumeretso na siya sa kusina at humiga nanaman ako sa sofa para manood ng TV pero biglang nag ring ang cp ko.

Number lang ang nakalagay walang pangalan kaya ayokong sagutin pero baka emergency to kaya sasagutin ko nalang siguro.

"Hello sino to?"

"Hello Soma ako to si Doctor Sakaki natapos ko na palang pagaralan ang daliri mo at madami akong nalaman."

"Okay ano naman po Doc ang mga nalaman ninyo."

"Makinig ka Soma wag mong masyadong binabago ang anyo ng kanang kamay mo dahil medyo naaapektuhan nito ang mental health mo."

"Mental health?"

"Oo kapag palagi mong gagamitin ang kamay mo pwede kang mabaliw at magwala kaya hanggat maaari iwasan mo ang paggamit sa kamay mo."

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon