Shion POV:
"Hi ate kumusta school?"
"Nakakapagod grabe"
"Ate pumasok na ba si kuya Soma?"
"Oo pumasok na din yung bayani mo."
"Talaga ate, mabait ba si kuya sure ako na napaka bait ni kuya."
"Hindi masungit kaya yun."
"Huh"
Pagkatapos kong kausapin si Shika dumeretso na ako sa kwarto at dumeretso na ako sa kama ko.
Pambihira ang nangyari kanina pano kaya nagawang patumbahin ni Soma ang mga malalaking college na yun.
Knock! Knock!
"Ms. Shion handa na po ang tanghalian naghihintay na po si Ms. Shika sa dining room."
"Opo yaya Basang papunta na po ako."
Mayaman kami pero kakaming dalawa lang ni Shika ang nakatira sa mansyon.
Si Mama kase ay nagtratrabaho sa Canada tapos si Papa naman ay laging busy sa company niya at bibihira lang siya umuwi sa bahay.
Kasama ko ngayon si Shika at tahimik kaming kumakain sa dining room.
"Oi ate gaano na pala kadami ang mga lalakeng nanliligaw sayo?"
"Ano ba yang sinasabi mo!"
"Ate talaga ang dami mo kayang tagahanga."
"Pano mo naman nasabi yan?"
"Eh ang dami kayang mga senior samin na hinihingi sakin ang number mo."
"Tapos binibigay mo naman."
"Eh nililibre naman nila kase ako tapos nagmamakaawa pa sila."
"Pwede bang tigilan mo na ang pagbigay ng number ko sa kung sino sino jan."
"Sorry ate... Alam mo ate dapat kase pumili ka na ng boyfriend mo si kuya Alex kaya gwapo naman siya diba?"
"Ang hirap kayang maghanap ng boyfriend at ayoko kay Alex masyado kase siyang mayabang at papansin tapos ang bababa pa ng grades niya."
"Ano ba ate ang type mo sa isang lalake."
"Gusto ko yung naiiba sa lahat ng lalake yung lalake na ginagawa ang mga bagay na bibihira lang gawin ng isang normal na tao."
"Ah alam ko na yung kagaya ni kuya Soma."
"Huh pano mo naman naisip na ang masungit na yun ang tinutukoy ko."
"Kase niligtas ako ni kuya Soma kahit alam niya na mapapahamak siya. Diba ate bibihira lang ang mga taong gumagawa ng ganun."
.................................
Oo nga ano bibihira lang ang mga taong nagsasakripisyo para sa iba at hindi lang niya ginawa yun minsan.
Niligtas niya rin ang isang babae na pinagtutulungan ng limang lalake at kitang kita ko sa mga mata niya na seryoso siyang tulungan yung babae ng walang alinlangan...
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.