Shion POV:
Pupunta ako sa palengke para bumili ng ingredients para sa lulutuin kong dinuguan hindi pa ako nagluto ng dinuguan pero nagsearch na ako sa internet kung paano.
Kaya ko naisipan na magluto ng dinuguan ay dahil yun ang paburitong ulam ni Soma nalaman ko lang yun noong nabasa ko ang essay na sinusulat niya at napansin ko din na kapag may ulam na dinuguan sa canteen palaging yun ang kinakain niya.
Lumabas na ako ng bahay at didiretso na ako sa palengke para bumili.
"Hoy! Shion! Saan lakad mo?"
Nasa second floor si Soma at nakaupo siya sa bintana ng kwarto niya habang naglalaro siya ng Ps vita.
"Hi Soma! Pupunta ako sa palengke para bumili ng ingredients sa lulutuin kong dinuguan."
"Hoy sasama ako sayo may bibilihin din ako jan ka lang."
Medyo matagal pa akong maghihintay dito kay Soma kase mukang maliligo at magbibihis pa siya kase mukang kagigising niya palang kanina.
"Soma! Pwede ba muna akong pumasok sa bahay mo?"
"Wag na palabas na ako kinuha ko lang ang pera ko."
Biglang tumalon si Soma sa bintana ng kwarto niya at bumagsak siya sa lupa at narinig ko na pumutok ang buto niya sa paa.
Nilapitan ko kaagad si Soma para makita ko kung okay lang ang paa niya.
"Soma! Ayos ka lang!?"
"Ayos lang ako bigyan mo lang ako ng 15 seconds."
Naririnig ko na pumuputok ang mga buto ni Soma at pinagpapawisan siya, After 15 seconds tumayo na si Soma na parang magaling na ang mga paa niya.
"Oh tara na magaling na ang paa ko."
"Pano nangyari yun?"
"Mabilis kase magregenerate ang katawan ko kaya mabilis gumaling ang mga buto ko."
"Wow! Ang galing naman."
"Tara na garod."
Naglakad na kami ni Soma papunta sa palengke at mukang ayos na talaga siya ang lupet naman ng kapangyarihan niya 15 seconds lang gumaling na agad ang mga buto niya.
Naligo na kaya si Soma kase mukang kagigising niya lang at nagmadali lang siya kaninang kunin yung pera niya tapos tumalon na siya agad sa bintana niya.
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomansaSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.