Soma POV:
Nasa loob ako ngayon ng kotse ni boss at papunta kami ngayon sa headquarters ng Fenrir dahil meron akong gustong tanongin sa doctor na nagopera sakin kaya ako naging kalahating DS.
Sinabi ko na kay boss ang mga nangyari sakin noong nawala ako pero hindi ko pa din sinasabi sa kanya ang tungkol sa kamay ko.
"Hoy Soma paano mo pala nagawang talunin si Jota? At kung talagang kaya mo naman talaga siyang talunin bakit hindi mo pa siya tinalo noong unang beses kayong naglaban?"
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa kamay ko dahil natatakot ako na baka pageksperementuhan nila ako kapag nalaman nila na nagkaroon ako ng kapangyarihan katulad kay Jota.
"Alam ko Soma na may tinatago ka sakin at alam ko na ayaw mong sabihin sakin ang tungkol sa kamay mo."
"Paano mo nalaman?"
"Pinuntahan namin ang lugar kung saan ka kinulong at meron kaming mga nahanap na camera sa paligid at tsaka pinanood namin ang mga nangyari."
"Ano na garod ang balak niyo sa sakin?"
"Wala kaming gagawin sayo pero kaylangan mong itanong sa doctor na nagopera sayo ang tungkol sa kamay mo."
"Alam ko, yun nga po ang dahilan kaya ko gustong kausapin ang doctor na yun dahil gusto kong tanongin kung ano ang nangyari sa kamay ko."
"Ah ganun ba, akala ko gusto mo lang kausapin ang doctor."
.............................................................
Nakarating na kami sa headquarters ng Fenrir at ang headquarters ay isang malaking building malamang mga sampung floors o mahigit.
"Tara Soma hinihintay na tayo ni Doc."
Pagpasok namin ni boss sa loob ng building madaming tao ang nakasuot ng men in black at lahat sila masama ang tingin sakin para bang nakakita sila ng DS pero hindi ko nalang sila pinansin at sumunod nalang ako kay boss.
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.