Chapter 18: Patay

28 0 0
                                    

Shion POV:

Monday na at nawawala pa din si Soma ang huling araw na nakita ko siya ay Friday ang last day ng exam ng 1st grading at umuwi siya kaagad kaya hindi na kami nakauwi ng sabay.

Pinuntahan ko siya dati sa bahay niya noong Sabado at Linggo pero nakalock ang bahay niya at ilang beses ko na din siyang tinatawag pero walang sumasagot nagaalala na talaga ako baka kung ano na ang nangyari kay Soma.

Nagchecheck lang kami ngayon ng test paper at palaging si Soma ang may pinaka mataas na score tapos ang mga mabababa naman ay sila Dingdong, Totoy at Alex habang kami naman ni Emi ay above average ang score.

Tuesday na at apat na araw nang nawawala si Soma at kagaya pa din ng dati nakalock pa din ang bahay niya at hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Simula nang nawala si Soma palagi na akong kinukulit ni Alex at naiinis na ako kay Alex kase masyado siyang papansin at feeling akala mo kung sino.

Thursday na at anim na araw na nawawala padin siya talagang namimiss ko na si Soma kahit hindi siya masyadong nagsasalita at palagi siyang naglalaro ng PS Vita namimiss ko padin kasama siya.

Nagtatanong saakin sila Totoy, Dingdong at Emi kung nasaan si Soma pero hindi ko alam kung nasaan siya talagang nagaalala na kami sa kanya.

Friday na at nawawala padin siya nasa bahay ako ngayon at kauuwi ko lang nasaan na kaya si Soma.

Bigla kong naisip na baka may alam si Papa kung nasaan si Soma kase ang alam ko nagtratrabaho si Soma kay Papa.

Balak ko na sanang tawagan si Papa pero may narinig akong kumakatok sa pintuan kaya nagmadali akong buksan ang pinto baka kase si Soma na yun pero si Papa lang pala.

"Shion anak pwede ba kitang makausap?"

Mukang malungkot ngayon si Papa at seryoso.

"Sige Pa tara sa loob."

Pumasok na si Papa sa loob ng bahay at umupo kami sa sofa para magusap sigurado ako na mahalaga ang sasabihin ni Papa kaya makikinig muna ako sa sasabihin niya bago ko siya tanongin tungkol kay Soma.

"Shion anak meron akong sikreto na matagal ko nang tinatago sa inyo."

"Ano yun Pa?"

Nakinig ako sa lahat ng sinabi sakin ni Papa at sinabi niya saakin ang lahat tungkol sa trabaho niya at tungkol sa Fenrir at ang mga Death Stalk.

Noong una hindi ako naniwala sa mga sinabi ni Papa pero nang meron siyang pinakitang mga picture at video sa tablet niya ng mga Death Stalk naniwala na ako sa kanya.

Pagkatapos ni Papa na sabihin at pinaliwanag ang lahat bigla kong naalala na nagtratrabaho si Soma kay Papa.

"Teka lang Pa hindi ba nagtratrabaho sayo si Soma?"

"Oo nagtratrabaho nga siya saakin at tungkol kay Soma......."

Nang binanggit ni Papa ang pangalan ni Soma bigla siyang tumahimik at lumuha ang mga mata niya.

"Anak patawadin mo ako dahil si Soma ay......"

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon