Soma POV:
Dalawang linggo pala akong tulog sa hospital at wednesday ngayon kaya may pasok. Ayoko pa sanang pumasok kase tinatamad pa ako pero kaylangan kong pumasok para humabol sa mga lessons na namiss ko.
Pagdating ko sa ISU(Isabela State University) Roxas Campus wala pang masyadong tao kase 6:40am palang kaya maaga pa.
Dumeretso muna ako sa canteen kase hindi pa ako nagaagahan at tamad akong magluto sa umaga kaya sa canteen nalang ako kumakain ng agahan.
Bumili ako ng nissin cup noodles spicy seafood flavor at humingi ng mainit na tubig para maluto.
Habang hinihintay ko ang cup noodles ko merong isang babae na may napaka habang buhok halos aabot na sa pwet niya sa sobrang haba.
Ngayon ko lang siya nakita dito baka 1st year palang siya dito kase iisa lang ang section bawat year kaya halos namumukaan ko ang lahat ng highschool student dito.
Bumili siya ng nissin cup noodles din pero sa kanya naman ay chicken flavor.
Pagkatapos niyang lagyan ng mainit na tubig yung cup noodles niya umupo siya sa table ko.
"Hi pwede ba akong umupo sa tabe mo?" sabi niya sakin ng nakangiti siya... :)
"Bahala ka sa gusto mo"sabi ko naman sa kanya ng naka poker face... -_-
"Ikaw si Soma Zephyrum diba?"
"Oo bakit mo alam ang pangalan ko at sino ka ba ngayon lang kita nakita dito"
"Ako si Shion Itsuka kakatransfer ko lang dito last week at magkaklase tayo at binisita din kita noon sa hospital."
"Ano binisita mo ako baket?"
"Natatandaan mo pa ba yung babaeng niligtas mo?"
"O bakit kilala mo ba yun?"
"Kapatid ko kase siya at sinasamahan ko siya tuwing bibisitahin ka niya."
"So ibig sabihin nun binibisita niyo ako nung tulog pa ako."
"Yessir!" sabi niya sakin ng nakangiti :)
Hindi ko na siya pinansin pagkatapos nun at kinain ko nalang yung instant noodles ko ng tahimik.
Pagkatapos kong kumain iniwan ko na siya sa canteen ng nagiisa at dumeretso na ako sa classroom.
Pagdating ko sa room umupo na ako sa pinaka dulo sa tabi ng bintana. Gusto ko lagi sa dulo at tapat ng bintana kase kapag nasa dulo hindi ka masyadong mapapansin kayang kaya kong maglaro ng Ps vita ko at dahil malapit ako sa bintana presko ang hangin.(Hindi porket may Ps vita ako mayaman na ako binigay lang sakin to ng astig kong ninong.)
Tahimik lang akong naglalaro ng PSV(PlayStationVita) kapag walang teacher.
May biglang umupo sa tabe ko hindi ko siya makita kase busy akong naglalaro.
"Hoy! ano nilalaro mo?"
Tumingin ako sa katabe ko para makilala kung sino ang katabe ko. Ang katabe ko ay yung babae nanaman kanina.
"Pakealam mo ba wag mo nga kong kinakausap busy ako."
"Sorry curious lang kase ako kaya wag ka na magalit" sabi niya na mukang nahihiya.
(Shet! nagsisisi na tuloy ako sa mga sinabi ko.)
"Hoy sorry"
"Okay lang yun kasalanan ko naman kase busy ka tapos ginugulo pa kita"
(Guilty na ako shet!)
"Kung okay lang sana pwede ko bang makuha ang number mo."
Pagkatapos nun binigay ko na sa kanya ang number kase talagang guilty ako sa mga inasal ko sa kanya...
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.