Soma POV:
Ang daming nangyari sakin kahapon. Nakipagaway ako para sa isang tao na hindi ko naman kilala, pinagalitan ako ng adviser namin at may sarili na akong bahay.
At least kahit papano may isang bagay na nangyari sakin na maganda kesa naman sa wala.
Sa ngayon nasa canteen ako kasama ang katropa kong si Totoy bumili kami ng isang kasalong coke.
Pinaghatian namin ni Totoy ang isang kasalong coke ng walang daya kase magkapantay lang kami ng nilagay sa supot.
Pagkatapos namin isupot ang coke namin ni Totoy naglakad na kami pabalik sa classroom namin para sa mahan ang buong tropa.
Habang naglalakad kami ni totoy pabalik sa room pinagusapan namin na saka nalang namin iinumin yung coke namin pagbalik namin sa tropa.
Pagbalik namin ni Totoy sa classroom nakaabang na ang tropa para sa pagdating namin.
"Hoy Soma, Totoy san kayo nagpunta?"
"Nagmiryenda lang kame nauuhaw na kase kame."
"Ano garod ang binili mo Soma?"
"Coke hindi mo ba nakikita."
Pinakita ko sa tropa ang supot ng coke na hawak hawak ko pero nagulat nalang ako kase ang supot na hawak ko ay walang laman na coke.
"Shet! asan na ang coke ko!"
Hindi ako makapaniwala biglang nawala ang coke ko parang magic.
Tinignan ko ang coke ni totoy baka nawala din pero meron naman.
"Hoy Soma butas yata ang supot na ginamit mo."
Inimbestigahan ko ang supot na hawak ko at butas nga Shet!
"Badtrip naman o hoy Dingdong samahan mo nga akong bumili ng coke."
"Sige tol hati tayo sa isang kasalo."
Palabas na sana kami ng isa ko pang tropa na si Dingdong para bumili ng coke pero saktong palabas na kame eh sakto naman na papasok na ang teacher namin.
Badtrip naman talaga Shet!!!
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.