Soma POV:
Bumangon ako ng 5:00am ng umaga para magluto ng agahan ko bago ako maligo niluto ko na muna ang agahan at hinanda ko sa lamesa para kainin pagkatapos kong maligo.
Sa totoo lang tinatamad talaga ako magluto ng agahan sa umaga pero sa araw na trip ko lang magluto kase medyo maaga akong nagising.
Nagluto ako ng dalawang hotdog at isang scrambled egg aaminin ko na medyo matakaw ako.
Pagkatapos kong maligo sinuot ko na ang uniform ko at nagpainit muna ako ng tubig para may pangkape ako pagkatapos kong kumain.
Kakain na sana ako pero may biglang kumatok sa pintuan magaling ang timing kung kaylan kakain na ako saka pa may iistorbo.
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Shion na nakayuko at medyo pinagpapawisan.
"Ah ano Soma ah magandang umaga gusto mo bang sabay na tayong pumasok."
"Mauna ka nalang kakain pa ako."
"Hihintayin nalang garod kita."
"Bahala ka sa gusto mo. Pumasok ka muna garod dito sa loob kung ayaw mo edi hintayin mo nalang ako jan sa labas"
Pagkatapos kong sabihin yun tinignan niya ako direkta sa mga mata ko at muka siyang seryoso.
"Opo papasok na po ako."
Pumasok na ako at dumeretso sa kusina hinihintay na ako ng agahan ko pagbalik ko sa kusina ayos na yung mainit na tubig na iniwan ko kanina.
Sa totoo lang nawalan na ako ng gana na kumain sayang naman yung niluto ko kaya ipapakain ko nalang yata eto Shion.
"Hoy Shion nag agahan ka na ba?"
"Ah ako hindi pa bakit?"
"Sayo na garod tong niluto ko wala na kase akong ganang kumain at sayang naman yung pagkain."
"Ah okay thank you Soma."
Iinom nalang ako ng kape habang hinihintay si Shion na kumain. Teka lang hindi ba parang nalugi ako dito.
Gumising ako ng maaga at nagabala pa akong nagluto ng agahan ko tapos ang babaeng to lang pala ang kakain ng niluto ko.
"Ah Soma ang sarap pala ng luto mo thank you."
"Hotdog at itlog lang naman yan parepareho lang din ang mga lasa ng mga yan."
"Okay lang ba na hindi ka kumain ng agahan at magkakape ka lang."
"Oo wag mo akong pansinin sanay na ako sa ganito kumain ka nalang jan."
"Hindi mo dapat sinasanay ang sarili mo sa ganyan isipin mo naman ang kalusugan mo baka kung mapaano ka."
"Wag mo nalang akong pansinin at kumain ka nalang jan."
Pagkatapos kong sabihin yun hindi na siya nagsalita hanggang sa matapos siyang kumain.
"Soma tapos na akong kumain tara na."
Papasok na sana kami pero huminto muna si Shion sa bakery.
"Soma jan ka lang bibili lang ako sa bakery saglet."
"Oo na bilisan mo garod."
Hindi pa yata nabusog ang babaeng to kanina sa bahay malakas sigurong kumain ang mga rich kid.
Pagbalik ni Shion meron siyang dalang isang supot ng pandesal sa kamay niya.
"Oh Soma eto o pandesal para may makain ka."
"Hindi ko naman sinabing bilihan mo ako ng pandesal."
"Ano ba ang problema mo ha! kainin mo na lang to at tara na baka malate pa tayong dalawa."
"Oo na oo na kakainin ko na po......... Hoy Thank you..."
BINABASA MO ANG
Monster vs Princess
RomanceSi Soma Zephyrum ay isang normal na 4th year highschool student pero dahil sa isang aksidente biglang nagbago ang buhay niya mula sa pagiging normal siya ay naging isang halimaw may tao kayang tatanggapin siya sa kung ano siya.