Chapter 14: Maskara

41 0 0
                                    

Soma POV:

Friday nanaman kaya mapapalaban nanaman ako sa mga DS masaya na sana ang friday pero manggugulo pa ang mga pesteng DS na yun.

May nareceive akong text kaninang umaga galing sa Fenrir may package daw silang iniwan sa bahay na nanggaling pa daw sa japan at gamitin ko daw ang laman ng package mamayang gabi.

Siguro mga bagong sandata na magagamit ko mamayang gabi sana naman bigyan nila ako ng assault rifle o kaya naman shotgun.

Paguwi ko sa bahay may kahon na nakapatong sa lamesa. Teka nga lang ang alam ko nilock ko ang bahay bago ako umalis siguro meron silang duplicate ng susi sa bahay.

Wala naman akong mapapala kung magrereklamo ako kaya dumeretso nalang ako sa lamesa at binuksan ang kahon.

Ang laman ng kahon ay isang itim na maskara na may eyepatch sa kanang mata at bunganga na nakalabas ang ngipin tapos may zipper pa para buksan ang bunganga. Kung hindi ako nagkakamali ganito din ang maskara na ginagamit ng bida sa anime na Tokyo Ghoul.

Biglang may tumatawag sa cellphone ko at walang pangalan ang tumatawag pero sinagot ko padin.

"Hello sino po sila?"

"Hello Soma ako to naaalala mo pa ba ako?"

Alam ko kung kaninong boses to si boss to sigurado ako.

"Ikaw si boss Seijuro diba"

"Oo tama ka siguro naman nakita mo na ang laman ng kahon na diba."

"Opo nabuksan ko na ang kahon ano naman po ang gagawin ko dito?."

"Simula ngayon lagi mo nang isusuot ang maskara na yan kapag papatay ka ng DS para maprotektahan natin ang identity mo."

"Identity ko?"

"Oo dilikado kase kapag may nakakita sayong pumapatay ng DS. Kapag nalaman nila kung sino ka manganganib ang buhay ng mga taong malapit sayo."

"Naiintindihan ko po susuutin ko po ang maskara mamaya."

"Isang DS lang ang kalaban mo mamaya at wala kang kasama magisa mo lang lalabanan ang DS."

"Makikipag one on one po garod ako."

"Oo kaya magingat ka yun lang good bye."

Pagkatapos kong kausapin si boss sinuot ko na ang maskara at kinuha ko na ang baril at kutsilyo ko at dumeretso sa labas para hanapin ang DS

Kagaya ng dati nagbago nanaman ang paligid ang sabi sakin dati ng men in black epekto ito ng timelapse siguro sa susunod na makakausap ko si boss tatanungin ko sa kanya kung ano ba ang timelapse.

Medyo gumagaan ang pakeramdam ko habang suot ko ang maskara pakeramdam ko mas malakas ako kahit nakatakip ang kanang mata ko.

Nahanap ko na ang DS at merong kamay ng isang tao na nakasabit sa bunganga niya nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot dahil ito ang unang beses na haharapin ko ang isang DS ng magisa ko hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Hindi ako makapaniwala na natatakot ako nagawa ko naman nang harapin ang isang DS dati pero bakit natatakot ako ngayon.

Hindi kaya natatakot akong lumaban ng magisa.

Natapos nang kumain ang DS at nakita na niya ako at nanginginig na ako sa takot hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tumatakbo na ang DS papunta sakin at hindi ako makagalaw hindi ko alam kung ano ang gagawin paglapit sakin ng DS nakahanda na ito para suntukin ako...

BOOM!!!

Sinuntok niya ako sa katawan ng napakalakas sa sobrang lakas napalipad ako at tumama sa pader.

Nakadapa ako ngayon sa lupa at binuksan ko ang zipper sa bunganga ko para ilabas ang dugo sa bungaga ko.

Ang sakit talaga mas masakit to kaysa sa naramdaman ko dati pagkatapos kong ilabas ang lahat ng dugo sa bunganga ko sinara ko na ulit ang zipper sa bunganga ko at tumayo.

Pagtayo ko nawala na ang takot na nararamdaman ko kanina pagkatapos akong suntukin ng DS ang takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ngayon ng galit at mas lalo akong naging desidido na patayin ang halimaw na sumuntok sakin.

Nilabas ko na ang baril ko at binabaril ko ang DS habang tumatakbo ako papalapit sa kanya at nang nakalapit ako sa DS sinuntok ko ito sa muka at napatumba ito at agad ko nang binaril ito sa puso at pinatay.

Pagkatapos kong patayin ito tinawagan ko na ang Fenrir.

"Hello Mr. Zephyrum napatay mo na ba ang DS."

"Oo napatay ko na ang DS pakilinis nalang ang kalat dito at uuwi na ako."

"Okay makakauwi ka na ipaubaya mo nalang saamin ang paglilinis."

Pagkatapos kong tawagan ang Fenrir napansin kong nadurog pala ang kamay ko sa pagsuntok ko sa DS pero mabilis na gumaling ang kamay ko at dumeretso na akong umuwi at iniwan ko na ang bangkay ng DS...

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon