Chapter 11: Crush

39 0 0
                                    

Shion POV:

Break na namin ngayong umaga at hindi pa ako gutom kaya hindi na muna ako bibili ng makakain at dito nalang ako sa room kase ang init sa labas.

Wala akong magawa kaya kakausapin ko nalang si Soma sa tabe ko pero mukang seryoso siyang naglalaro ng playstation niya kaya wag nalang siguro.

May isang babaeng umupo sa tabe ko at siya ang vice president ng classroom namin si Emi.

"Hi Shion samahan mo nga ako sa canteen."

Wala naman akong magawa dito sa classroom at masyadong seryoso si Soma na naglalaro siguro bibili nalang ako ng maiinom ko.

Pagkatapos namin bumili ni Emi umupo muna kami sa isang table para magpahinga ng konti

"Hoy Shion sino pala ang lalakeng type mo sa room wag kang magalala hindi ko ipagkakalat sating dalawa lang to."

Iniisip ko kung may lalake ba akong nagugustuhan sa room pero wala talaga akong gusto.

"Hindi ko alam kung may nagugustuhan akong lalake sa room."

"Baka naman babae ang gusto mo, tomboy ka ba Shion."

"Hindi no! wala pa kase akong nakakausap at nakikilalang lalake sa room maliban kay Soma."

"Alam mo ba na ang ganda ganda mo at maraming mga lalake na nagkakagusto sayo hindi lang sa room ang kundi sa buong highschool department."

"Imposible naman yata yan hindi naman ako maganda."

"Ang ganda mo kaya mahaba at maayos ang buhok mo, yung mga mata mo, maputi ka, maganda pa ang shape ng katawan mo at mayaman ka pa"

"Hindi naman siguro at kung madami ang nagkakagusto sakin bakit walang lalake ang lumalapit sakin."

"Syempre nahihiya silang manligaw o kaya naman lumapit sayo sa sobrang ganda mo."

"Eh bakit garod si Soma hindi naman siya nahihiyang lumapit sakin."

"Si Soma ba hmmm ewan ko medyo weird kase si Soma iilang tao lang ang nakakaalam sa mga kinikilos niya."

Kung sabagay hindi ko din talaga maintindihan si Soma para siyang masama pero mabait naman siya.

"Hoy Shion baka si Soma naman ang type mo hehehe."

"Hindi ah pano naman ako magkakagusto sa isang lalakeng kagaya ni Soma."

"Kung sabagay sino ba naman kaya ang magkakagusto sa isang delinquent nakipag away pa nga siya dati sa mga college diba."

Muntik ko nang makalimutan yun ah natalo niya ang mga college na yun ng magisa niya lang tapos pinagalitan pa siya sa ginawa niya

Gusto lang naman ni Soma na tulungan yung babae noon kaya siya napaaway at pinagalitan inutusan niya pa nga ako na tumawag ng teacher noon.

Ewan ko ba ang hirap idescribe ni Soma pero sa tingin ko medyo gusto ko siya medyo lang.

Malapit na magsimula ang klase namen kaya pabalik na kami ni emi sa classroom pero bago kami bumalik bumili muna ako ng coke tapos sinupot ko nalang.

Pagbalik namin sa classroom marami na ang tao sa loob na nagchichismisan habang si Soma naman ay naglalaro parin.

Wala pa naman ang teacher namin at umupo na ako ulit sa tabe ni Soma na busy padin na naglalaro.

"Hoy Soma nag miryenda ka na ba kanina ka pa naglalaro jan."

"Hindi pa ako nagmimiryenda."

Mayamaya papasok na ang teacher namin kaya wala na sigurong time si Soma na magmiryenda.

"Hoy Soma sayo nalang tong coke ko wala ka nang oras para magmiryenda."

"Sige salamat babayaran nalang kita mamaya."

"Wag na libre ko nalang yan sayo."

Pagtingin ko sa harapan ko nakita ko si Emi na nakangiti sakin at napansin ko na pinagtitinginan kaming dalawa ni Soma at mukang naiinis ang mga lalakeng nakatingin kay Soma...

Monster vs PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon