Nandito na kami sa VPSI at kaharap ngayon si Sir alfred at si kenneth. Ngayon na namin naisipang kumilos kasi nakilala na kami ng kabilang org.
"Si agent knowledge ang bahalang magmonitor sa inyo. Goodluck, kailangan mapasa atin ang 2nd plate"
Nagsalute na lang kami at dumiretso na sa technospace at naabutan namin doon si agent knowledge na inaayos na ang lahat ng kakailanganin namin para mamaya. Hindi siya lumingon sa amin pero nagsalita na agad siya.
"This will be the appropriate weapons and gadgets you will use later. I already hacked the CCTV's in the building. This take this, so three of us can communicate by using this" iniabot niya sa amin ang sobrang liit na parang mic. Ginawa ko siyang hikaw.
"Can you hear me?" Bulong lang ni agent knowledge pero sobrang clear siya sa pandinig
"Clear" sabay naming sabi ni panget. Tumango na lang siya at umupo sa harap ng mga computer screen niya. Kinuha na namin ang gamit namin sa lamesa. We're good to go. Aalis na sana kami ng magsalita ulit si agent knowledge
"Magbihis kayo nandoon sa HQ niyo ang mga damit." Nagtaka ako at tinignan yung suot ko ayos nato ah pang agent naman to e. Hindi na lang ako umangal at dumiretso na sa HQ naming tatlo.
Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang napakalawak na sala. Grabe ngayon lang ako nakapasok dito. Iba kasi sa manila dito sa palawan e mas malaki ang main building ng VPSI. Hindi alam ng ibang org. Ang main building namin. Pumunta na ako sa lamesa at tinignan doon ang susuotin ko. Sh*t saan ko ilalagay yung mga weapons ko kung ito ang susuotin ko? Hapit hapit na black dress long sleeve siya at may hati sa gilid ng dress na nagpakita ng legs ko. Ba' yan paano na ito bakit ito pa."Agent knowledge" tawag ko sa kanya gamit yung maliit na mic.
"Mm?"
"San ko ilalagay yung mga weapons ko kung ganito naman ka hapit yung dress na susuotin ko?"
"Tsk. You should wear it first malalaman mo kung paano."
"Oo na ito na suplado nito" nauna ng magbihis si panget at ako inaayos ko muna yung wig at tanned spray sa katawan ko at nagbihis na. Pagkabihis ko ng dress na to, biglang may umilaw sa bandang tiyan ko
"Press it" ginawa ko naman ang sinabi ni A.K short for agent knowledge at bigla na lang parang may nagsilabasan na mga bulsa. Havey, ang taray.
"Oh diyan mo na ilagay. Hindi mapapansin ang umbok niyan dahil kusa siyang nagfl-flat sa damit mo. "
"Okie dokey" excited kong sabi at nilagay na doon yung ibang weapons at gadgets at yung iba naman ay sinuot ko katulad ng bracelet, hairpin ant yung belt. Im sooooo ready. Napalingon ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakatuxedo lalaki sa sa sobrang hot e natunaw agad ako.
"Mamaya na ang pagpantasya sa akin babe may trabaho tayo" ngising sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at tumalikod para hindi niya makita ang pagpula ng mukha ko.
"Guys focus" biglang sumbat ni A.K
"Ready na kami."
"Good now pumunta na kayo sa parking lot" kinuha ko yung purse ko at nagsimula ng maglakad. Nasa likod ko lang si panget na sumusunod. Nakarating na kami sa parking lot at may humarang sa amin na isang black lambo nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Come in masters" boses babae ang nagsalita. Wow. AKALA ko normal na lambo lang ito napasabak ata to sa technospace e. Pumasok na kami sa loob, mag dadrive na sana si phoenix ng kusa tong gumalaw.
"A.K san ang venue?"
"Carangela will drive you there" sabi na lang niya at alam kong eto yung kotse na tinatawag niyang carangela.
BINABASA MO ANG
Tactical Intelligence Mission
Actionwhen the 2 secret agents collide. find out what will be the result.