Mission#19 adorable

36 6 0
                                    

Samantha

"Tsk! Isa pa, isa pa ang duga kasi ni ate eh" pagmamaktol ni jeffrey sa akin.

"Hahaha, hindi ko naman kasi kasalanan kung mahina ka dito sa air hockey e" tawa tawa kong sabi habang siya e nakabusangot ang mukha. Nandito ako ngayon kasama si jeffrey sa arcade room naglalaban kami sa air hockey. Si panget sinundo yung tropa nitong unggoy na'to.

"Wala! Isa pa kasi"

"Pang ilan beses na natin ito ah, pang sampung beses pero hindi ka parin nananalo? Ibang laro naman" kanina pa kasi kami dito e.

"Osige na nga! Pero ako pipili" tumango na lang ako at inilibot na naman niya yung paningin niya hanggang sa tumigil ito sa xbox 360 kinect.

"Yun! Yun! Akala mo ha! Matatalo na kita dito!"sabi niya habang tinuturo yung pwesto sa xbox, dumiretso na kami doon at umupo ako sa isang couch na nasa gilid.nagsimula nang pumili si jeffrey ng kanta.

"Pff! Boyfriend? Justin bieber talaga? Hahaha osgesge, easy lang ah baka mahirapan ka" asar ko sa kanya ngumisi lang siya at difficult ang pinili niya. Nagsimula ng tumugtog at sinimulan narin gayahin ni jeffrey ang nasa screen.

Sh*t puro perfect, wala man lang na miss?

If i was your boyfriend
i'll never let you go♬

Ang hot pala ng kapatid ko kapag sumasayaw e, sana magdamag na lang siyang sumayaw hahaha.

Hanggang sa matapos walang miss

"Yes! 4 star ako!oh ano ate! Lalaban ka pa ba?" Ngisi niya sakin, ngumiti lang ako at tumayo naglakad rin siya papunta sa akin at nag fistbump pa kami bago ako humarap doon sa screen.

Hmmm. Ano kaya maganda?

On the floor.

Nagdifficult din ako at tumingin kay jefrrey at kinindatan. Nagsimula nang tumugtog kaya ginaya ko na yung nasa screen.

[A/n:panoorin niyo po guys, para kunyari totoo hahaha]

1 star na

2 stars

3 stars

4 stars.

Tinignan ko si jeffrey na nakatutok lang sa screen at may binubulong.

"Sana hindi umabot, sana hindi umabot" napatawa na lang ako sa binubulong niya.

Konti na lang 5 stars na, mas lalo ko pang ginanahan ang pagsayaw.

5 stars.

Napangiti ako ng pagkalaki laki at tumingin kay jeffrey na nakabusangot ulit.

"Beat that my little brother" ngisi kong sabi. Napalingon ako ng may narinig akong mga palakpak. Si panget at yung dalawang kaibigan ni jeffrey ay nasa likod ko.

"Wooo! Ate ganda ang galing niyo po! Pa autograph nga" sabi ng lalaking moreno pero gwapo.

"Miss beautiful ang hot niyo po kapag sumasayaw! Pakiss n------aray ko naman kuya phoenix!" Sigaw niya habang hinihimas yung batok niya. Binatukan ba naman.

"Misis na yan at ako ang asawa, wag niyong landiin yan kundi makakatikim kayo" banta ni panget sa dalawa. Napasimangot naman sila at tumingin uli sa gawi ko at ngumiti ng pagkalaki laki

"BRO!!" Sigaw ng tatlo, oo pati si jeffrey nakisigaw. Nag bro fist sila at parang nagwrewrestling. Napangiti na lang ako sa nakikita ko. Naramdaman kong may umakbay sa akin at tinignan ko si panget.

Tactical Intelligence MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon