Phoenix
Nilingon ko si samantha na nakatingin sa langit at biglang pumikit, nilapitan ko agad sila jeffrey na nagsusurf..
"Bro pwede ba magtanong?" Nakatanaw lang kami ni jeffrey sa mga kaibigan niyang nagsusurf at nagtatawanan habang si jeffrey ay mukhang seryoso.
"Ano yun?"
"Bakit may bear dito sa isla mo?" Napatigil ako at napaisip sa sinabi niya. Tinignan ko ulit si sam na tumatawa habang nakikipaglaro doon sa bear.
"Hindi ko rin alam e. Nagulat na lang ako ng may karga si wifey na bear sa gilid ng pool."
"It's strange, bigla bigla na lang may bear, may naalala ka bang may malaking bear na meron dito sa isla?"
"Imposible naman yun" napaisip ako. Bakit nga ba may bear dito?
"Baka may sumusunod sa atin"nagulat ako dahil seryoso si jeffrey. May sumusunod sa amin? Imposible at tyaka paano niya nalaman ? Hindi ko na lang siya sinagot at pinuntahan ulit si wifey na nakahiga sa sand katabi ang bear. Nilapitan ko sila
"Wifey" seryoso kong sabi kaya agad siyang napatingin sa akin.
"Bakit?"
"We need to talk" tumango siya at tumayo, akmang bubuhatin niya yung bear ng magsalita ulit ako.
"Alone" mariin kong sabi. Napatingin siya sa akin na may pagtataka.
"Hindi naman tayo maiintindihan ni baby princess e" nakapout na sabi nito
Sh*t how can i resist her?
"Please" magsasalita na sana si wifey ng may nagsalita sa likod ko.
"Sige magusap na kayo, ako na magbabantay dito" nagpasalamat ako ng palihim kay jeffrey at tinignan si wifey na nagdadalawang isip pa kaya agad kong kinuha ko ang kamay niya at lumusob sa gubat.
"Wait! Dito na lang ang layo na natin kanila baby princess e" sabi niya at hinila ang kanyang kamay. Napabuntong hininga naman ako at hinarap siya.
"Hindi ka ba nagtataka?"
"Na ano?" Inosenteng tanong nito.
"Na may nilalang na ganyan dito?"
"Oh please, it's a bear"
"Okay okay, a bear pero hindi ka ba nagtataka?"
" bt' naman ako magtataka?"
"Aiiish! Ano ba yan. Walang bear dito sa isla wifey! Bakit bigla nalang nagkaroon at ang mas malala pa nasa loob ng resthouse mo siya nakita!" Inis na sambit ko. Tumingin lang sa akin si wifey ng hindi mo makikita ng kahit anong emosyon.
"She's innocent, it's a bear walang mali sa kanya" magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siyang tumalikod at bumalik sa pwesto nila jeffrey.
*sigh*
Bumalik na lang ulit ako at nadatnan ko na lang si wifey na karga ulit ang bear, pumunta agad sa akin si jeffrey at nagtanong.
"Oh anong sabi?"
"Inosente daw yang bear na yan" inis na sambit nito.
"Bro, may sasabihin sana ako sayo"
"Oh ano ba yun?" Walang gana kong sagot. Tumingin ulit si jeffrey sa likod niya at lumapit ng konti sa kanya.
"May nakita akong hidden camera sa nilalang na yun, sa may bandang tenga" napatingin ako sa kanya at nagulat sa sinabi niya. What the hell? A hidden camera! And what the f*ck! Anong meron dito kay jeffrey at parang balisa, may alam ba siya? Umiling ako at pinuntahan agad si wifey!
BINABASA MO ANG
Tactical Intelligence Mission
Actionwhen the 2 secret agents collide. find out what will be the result.