Samantha
Nagising ako ng may nakadagan sa tiyan ko, minulat ko ang mga mata ko at kinusot kusot muna bago tignan kung anong oras na at kung anong mabigat na bagay ang nasa ibabaw ng tiyan ko.
Kamay?
Tinignan ko ang nasa tabi ko, isang lalaking sobrang himbing ng tulog. Umikot ako para makaharap sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, tignan mo na eto na yung pagkakataon mo sam. Sinimulan ko sa kanyang magulong buhok, hinaplos ko ito pababa sa noo sa dalawa niyang nakapikit na mata, sa matangos nitong ilong sa mapulang pisngi at sa nakangangang mapupulang labi.
Ang pogi naman ng napangasawa mo
Nilapat ko ang hintuturo ko sa labi nito.
Ang lambot
Napatigil ako bigla at nanatiling nasa labi niya ang hintuturo ko ng magsalita siya
"Goodmorning wifey" sabi niya ng paos ang kanyang boses. Inalis ko agad ang daliri ko sa kanya
"G-goodmorning rin" bigla siyang napadilat at ngumiti ng sinsero. Ramdam kong namula agad ang mukha kaya tatayo na sana ako ng hapitin niya ang bewang ko.
"Let's just stay like thisfor a while" he huskily said. Hindi na ako nakaangal pa. Nakatalikod ako sa kanya ng niyakap niya ako. Nakikiliti ako ng Naramdaman kong hinalik halikan niya ang buhok ko at inaamoy amoy.
"You smell so good wifey" bulong niya sa akin. Hindi ko na lang yun pinansin at pinikit ulit ang mata ko, nakaramdam ulit ako ng antok at nakadagdag pa yung mainit na yakap niya sa akin. Nakatulog ako ng ganun ang posisyon namin.
××××××××××××××××
Nagising ulit ako ng may kumikiliti sa leeg ko.
"Hey wifey! Gising na, tinatawag na tayo ni nanay" patuloy parin ang kiliti sa leeg ko kaya minulat ko na ang mata ko at napatingin kay panget na hinahalikan yung leeg ko.
THE FUDGE!!
napabangon ako bigla kaya nahulog si panget.
"A-anong ginagawa mo!"
"Tsk. Edi nagising ka na rin wifey, alam mo bang ang hirap mong gisingin? Tulog mantika ka talaga e no, ang sakit tuloy ng pwetan ko" sabi niya ng tumatayo habang hinihimas ang pwetan niya.
"E-eh bakit mo kasi ako hinahalikan sa leeg!"
" anong problema doon? You're my wife so i have rights to kiss you, halika na nga kakain na daw sabi ni nanay" sabi niya kaya hinila niya agad ako at pinapasok sa bathroom. Isasara ko na sana ng pumasok siya
"A-aba oy! Lumabas ka nga na ccr ako"
"Bawal bang makisilip"pilyo niyang sabi habang ang laki laki ng ngiti
"Pervert! Umalis ka na nga!" Inis na sigaw ko sa kanya. Lalabas na sana siyang bigla ulit siyang lumingon at walang sabi sabing hinalikan ako. Tumakbo siya bigla at sumigaw
"Ang sexy mo wifey!"
"Tse!!!" Padabog kong sinarado ang pinto at tumingin sa salamin .
"Ikaw! Anong nginingiti mo diyan ha!" Sermon ko na nsa salamin. E paano ba naman kasi makangiti wagas.
Naligo na agad ako at nagbihis. Bumaba na ako ng madatnan ko silang nasa lamesa na nagaantay sa akin .
Nag goodmorning lang ako sa kanila at nagdasal bago kumain. Walang nagsasalita kasi yun ang gusto ni nanay. Bago kami matapos lahat biglang nagsalita si jeffrey."Ate, magbakasyon naman tayo, nayayamot na ako dito e. " simangot na sabi sa akin ni jeffrey. Magsasalita na sana ako ng magsalita naman si panget
"Great idea! Sge magimpake na muna kayo for 3 days may naisip akong pwede natin pagbakasyunan" aangal sana ako kaso ng makita ko ang masayang mukha ni jeffrey ay napatango na lang ako.
BINABASA MO ANG
Tactical Intelligence Mission
Actionwhen the 2 secret agents collide. find out what will be the result.