Everybody needs inspiration.
But i need it most huhuhuhu.
××××××××××××××××××××
Mommyfat
Nang nakaalis na sina kenneth at samantha, doon naman natauhan si phoenix. Inikot niya ang kanyang paningin at nalamang siya na lang pala ang nasa loob ng kwarto.........or not.
"Kuya" nagpantig ang kanyang tenga nang marinig ang boses na yun. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at sinamaan ng tingin ang kanyang kapatid.
"Anong kailangan mo?" Pabalang niyang tanong pero hindi nagpatinag ang kanyang kapatid.
"Pwede ba tayong magusap?"
"Wala akong panahon sa sasabihin mo." Akmang aalis na si phoenix ng marinig niya ang salitang sinabi ni zack
"Sorry"
Napangisi si phoenix,
sorry? Mababago ba ng Sorry na yan ang nagyari sa buhay ko?
"Just save your words. I don't need that" pagkasabi niya yan, agad na siyang umalis dahil hindi niya kayang magtagal sa kwarto kung nandoon ang traydor niyang kapatid.
Ngunit si zack ay nagpatatag.
Hinding hindi ako susuko sayo kuya.
Umalis na rin si zack at binaybay ang ang napakahabang hallway ng tumunog ang kanyang cellphone.
Boss calling.......
"Yes boss?"
"Where the f*ck are you?!!!! I need you here ASAP!" Inilayo agad niya ang kanyang cellphone dahil sa lakas ng boses ng kanyang boss
"Yes bo----" hindi niya na naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla na lang namatay ang tawag. Inis niya itong nilagay sa bulsa at pinagpatuloy ang paglalakad. Nakasalubong niya ang tatlong nakababatang agent
"Oh jeffrey, bakit nandito pa kayo? Akala ko ba?"
"May hahanapin lang kami sa loob. Nasabihan ko na si sir alfred at pumayag naman na siya"
"O sige, mauna na ako sa inyo" tumango lang ang tatlo at naglakad na. Ganun din si Zack.
×××××××××××××××××
"Grabe! Paano mo nalaman itong kainan nato? Sobrang sarap, Ate!! Isa pa nga pong kanin!" Sigaw ni samantha habang kumakain.......... lumalamon pala
"Samantha, mahiya ka naman ang kalat kalat mo kumain, tsk tsk" napailing na lang si kenneth pero nakangiti parin.
Nasa isang maliit na karinderya sila kumain. Nung una ay naginarte pa si samantha kesyo ang cheap daw ni kenneth pero ng natikman niya ang mga luto ay nagustuhan niya ito na dinaig pa ang lasa sa mga five star hotel at ngayon ay nakakalimang kanin na siya habang si kenneth naman ay isa palang.
Mababakas sa mukha ni samantha na sobrang sarap ang kanyang kinakain kaya hindi na muna nagsalita si kenneth para sa mission.
"Hhhmm. Grabe ang sarap talaga ng pagkain dito. Yayayain ko nga si phoenix dito minsan" sabi ni samantha habanh puno pa ng pagkain ang kanyang bibig. Napangiti naman si kenneth sa kanyang inaasal. Kilala si samantha sa organization na masungit at seryoso sa buhay. Ngunit kapag labis mo itong makilala dito mo malalaman ang kanyang tunay na ugali, ang akala ng ibang agents na seryoso sa buhay ang babae ay isa pala itong kalog at medyo may pagkachildish.
"Uy sir kenneth, ano na? Tapos na ako, kamusta ka naman?" Nabalik lang sa ulirat si kenneth ng magsalita si sam. Nginitian niya lang ito at tumayo na
"Tara na kailangan pa natin pagusapan ang misyon niyo"
"Haaaaays. Back to work na naman kami" tamad na sambit ni samantha at tumayo na rin. Binayad na ni kenneth ang kanilang kinain at lumabas na.
"Sabihin mo na sa akin sir kenneth yung misyon tapos ako na lang magsasabi kay phoenix"
Agad na umiling si kenneth, dahil naalala niya ang pinagusapan nilang dalawa ni sir alfred.
"Nope, you two both need to hear this, come on, let's go to your place i know your husband is waiting for you" ngisi niyang sagot at agad naman namula si samantha.
"Aba! Nagbablush din pala itong babaeng to" isip isip ni kenneth
"Tse! Tara na nga " at nauna ng naglakad si samantha kaya lalong napalakas ang tawa ni kenneth.
"Ah i think the other path is the way?" Umismid na lang si samantha at pumunta na sa tamang daanan. Napailing na lang si kenneth habang pinagmamasdan ang likod ni sam.
×××××××××××××××
[A/n: hi guys! PLEASE VOTE AND COMMENT! love you guys]
Mommyfat♥
BINABASA MO ANG
Tactical Intelligence Mission
Actionwhen the 2 secret agents collide. find out what will be the result.