Phoenix
pumunta ako sa isang tabi at umupo sa isang sofa. Mukhang magandang laban to, wala bang popcorn diyan? Makakanood ako ng action live! Hindi nila alintana ang tubig. Siguro kaya may tubig sa lapag dahil nag poweroff ito at para hindi mapaso ang sino man pumasok dito sa kwarto.
Tinignan ko yung lalaking may hawak hawak ng second plate. Mas matangkad siya kay sam at medyo malaki ang katawan nasa mid20's lang din ang edad niya. Napaisip agad ako
Ilang taon na kaya si sam?
Napailing na lang ako at tatanungin ko na lang si jeffrey. Napabaling ang atensyon ko kay sam ng tinawag niya ako gamit ang codename ko.
"Oh?"
"Pwede ka bang magpatugog diyan ng maganahan naman ako dito." Sabi niyang nakangisi habang natingin parin sa lalaki. Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko.
"What song?"
"Radioactive please" nangmahanap ko na ang request niya agad ko itong pinatugtog, pinatunog muna ni sam ang kanyang daliri at leeg bago sumugod.
(A/n:Play niyo po yung music para feel na feel natin guys)
It's better to act than to REact.
Yan ang motto ko bilang isang secret agent. Kailangan mong maunang kumilos.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Umiwas iwas lang ang lalaki sa bawat atake ni sam.
Ang bilis naman ng babaeng to.
"Aaaargh!" Nadaplisan ang lalaki sa tiyan niya.
Gumalaw ulit si sam at sumabay sa beat ng kanta ang kanyang pagatake sa lalaki gamit ang kanyang kaliwang kamay kung saan suot ang bracelet. Sinuntok niya ng pagkalakas lakas at dumagdag pa ng malakas na pwersa galing doon sa bracelet kaya napalipad ang lalaki sa opposite direction ni sam. nagsuka ng dugo ang lalaki. Sumugod uli si sam ng makatayo ang lalaki binigyan niya ito ng axe kick, spinning hook kick at isang malupit na flying back kick. Ang galing talaga nito sa martial arts. Napaupo ang lalaki at napayuko pero nagulat na lang kami ng bigla itong tumayo at parang naging malakas ulit dahil sa isang malakas na suntok nito kay sam.
"Ouch" bulong ni sam habang hawak hawak ang kanyang mukha. Napalunok ako hindi dahil sa pagalala, napalunok ako dahil nakita ko ang ibang samantha. Walang emosyon ang kanyang mata at para bang pinaparay niya na sa tingin ang lalaki sa sobrang lamig ng kanyang pagtitig
"Ang ayoko sa lahat ay nasusuntok ang mukha ko" malamig na sambit niya habang malamig ang pagtitig sa lalaki. Napatingin ako sa lalaki at bakas dito ang takot at lamig na binibigay sa kanya. Tumingin siya sakin at itinaas ko ang hintuturo ko
"Lagoot!" Bulong ko.
Tinignan ko ulit si sam at nagsisimula na tong maglakad papalapit sa lalaki. Sumugod ang lalaki pero naiwasan naman nito ng walang kahirap hirap inilabas ni sam ang isang maliit na kutsilyo sinugod niya ito at sinusugatan ang lalaki sa mukha, sa leeg at sa tiyan. Hindi mo na mahahabol ng tingin kung anong ginagawa niya sa sobrang bilis at liksi niya sa pag galaw.
Wooo!don't mess up with my wifey!
Bumagsak ang katawan ng lalaki at nabitawan niya ang second plate. Kinuha ito ni sam gamit ang katana at hinagis papunta sa akin na nasalo ko agad gamit ang dalawang daliri ko.
Nice.
"Goodjob guys! Now leave that place immediately at sa bintana na kayo lumabas, natunugan kayo kaya paparating na sila diyan in 3 minutes. Now MOVE!" tumayo agad ako at nilagay ang plate sa loob ng tuxedo ko, kinuha ko ang kamay ni sam at tumakbo papunta sa bintana. Tumalon kami palabas at tumambad sa amin ang isang gubat. Tumakbo kami ng tumakbo palayo sa lugar
*Baaaang*
Yumuko kami pareho at patuloy paring tumatakbo
"Kumaliwa kayo" sinunod namin ang sinabi ni agent knowledge.
"Nagaantay sa inyo si carangela sa may bungad ng gubat na yan. Bilisan niyo dahil sinusundan parin kayo ng ilang tauhan diyan" inilabas ko yung lata at hinagis patalikod at biglang umusok doon para rin hindi kami makita. Nakita na namin si carangela kaya biglang nagbukas ang pinto nito. Pinapasok ko agad si sam sa driver seat at ako naman sa passenger. Bigla na lang umandar ng pagkabilis bilis ang kotse.
"Hi masters, nice to see you again"
"Nice to see you too carangela" sagot ko.
Tinignan ko si sam at nakabusangot ang mukha. badtrip ata
"Hey wifey"
"Don't talk to me" badtrip nga. Hinarap ko sa kin ang mukha niya at nakita kong namumula mula pa sa kanang pisngi niya. Hinaplos ko ito pero sinuntok ako sa tiyan
"Aaaargh!"daing ko. Aba naman sinuntok ako sa tiyan e gamit pa naman yung kaliwang kamay niya kung saang suot niya yung bracelet.
"Alam mo naman may pasa hahawakan mo pa! Tangaks ka ba?" Inis na sigaw niya sakin.
Sa sarili ko na nga lang sasabihin to.
Second mission with wifey........ comp--------
*Baaang*
Napalingon kami at nakita namin ang tatlong itim na kotse na nagpapaputok.
Tsk. Akala ko naman tapos na
Kinuha ko ang silencer ko sa compartment at ganun din si wifey.
"Open the window carangela" bumukas ang magkabilang bintana kaya pinosisyon na namin ang silencer.
"Ikaw sa gulong ako naman sa mga ugok nato" sabi naman ni wifey. Pagbigyan badtrip e. Tango lang ang sinagot ko at binaril na agad ang mga gulong nila isa isa
*baaang*
*baaang*
*boogsh*
*baaang*
*screeech*
1 down 2 more!! Kumuha ako ng small bomb sa belt ko at hinagis sa isang kotse.
*BOOOGSHH*
At ganun ang ginawa namin hanggang sa maubos na sila. Sinara na ang bintana at binilisan pa ang pagpapatakbo. Nakapunta agad kami sa VPSI in no time.
×××××××××××××
"Good job guys! Nakuha niyo agad ang second plate"
"It's our job sir" sagot ni wifey
"Well then see you soon, patatawagin ko agad kayo kung kumikilos na ba ang kabilang organization. You may take some vacation guys!" Ngiting tugon ni sir alfred. Tumango na lang kami at nagpaalam, nakuha na namin ang first at second plate, SM2plate na lang ang kulang.
"Come on let's go home" aniya ko at inakbayan si wifey buti naman hindi na tumanggi dahil ata sa sobrang pagod.
Si carangela na lang ang ginamit namin pauwi. Ipinasok ko si wifey sa passenger at sinuot ang seatbelt. Dumiretso agad ako sa driver's seat.
"Carangela bring us home"
"Yes master" gumalaw na ang sasakyan pauwi. Tumingin ako kay wifey na mahimbing ng natutulog.
Binuhat ko na lang siya at pumunta na sa kwarto namin. It's 3 in the morning kaya paniguradong tulog na si nanay salvi at si jeffrey. Inihiga ko na siya sa kama at tinanggal ang heels niya at wig. Kumuha ako ng yelo sa ref at binalot ito sa towel, nilagay ko ito sa kanang pisngi niya, gumalaw ng konti si wifey pero hindi parin nagigising. Inantay ko ng ilang minuto at inalis na ang yelo. Naligo muna ako at nahiga na sa tabi ni wifey, hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit. Binulong ko sa kanya ng pang ilang beses tuwing siya'y natutulog ng mahimbing.
I love you wifey, sweetdreams
Pumikit na ako at ramdam ko ang pagod at sakit ng katawan and i fell asleep.
[A/n: whoosh! Ang boring ba? Pagpasensya sabog e hahaha. Please vote and comment na rin salamaaaat ♡♥]
Mommyfat
BINABASA MO ANG
Tactical Intelligence Mission
Actionwhen the 2 secret agents collide. find out what will be the result.