Prologue

2.5K 44 1
                                    

THE wind is caressing my face and the green scenery is giving the surroundings a calm vibe. Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw at tahimik ang paligid. The atmosphere is calm and that's what makes my heavy heart light.

"Rayzeah!"

Or not.

I sighed and turned my head. Chelsea is now running towards me with envelopes and folders in hand. Malakas na bumuntonghininga ito nang tuluyang makalapit sa 'kin at mahinang pinukpok sa ulo ko ang bitbit nitong folders.

"Mal-late na tayo!"

"I know." Nalukot ang mukha ko.

We were tasked to do a research and we are on our final part. Ang topic sa thesis ay tungkol sa mga high school students at kung ano-ano 'yong mga struggles nila. It's a qualitative type of research. We need to interview twenty to twenty-five students to have our report. Lima kami sa iisang grupo.

"Tara na! Baka maunahan pa tayo ng ibang grupo, ang hirap pa naman humanap ng matitinong estudyante sa high school." Nalukot rin ang mukha nito.

"Prestigious school 'yon 'di ba?" We started walking out of the campus. "Meaning matitino lahat ng estudyante doon."

Our professor gave us a couple of months to ready our thesis and for our defense also. Luckily, Chelsea's sister is studying at that school at may naka-assigned students na daw para sa aming dalawa. Still, kabado pa rin dahil depende sa estudyante iyon kung kanino siya magpapa-interview, kung sa amin ba o sa ibang grupo.

"Hindi naman maiiwasan ang mga barumbadong estudyante sa isang school, Rayzeah."

I nodded. "Tama."

"Kaya hindi malayong may ganoon rin sa school na 'yon," she added.

We graduated in that same school. Ang batch namin noon ay talaga namang ang gulo at ang ingay. Few subject teachers told us we were the worst section they had handled. Hindi pa masyadong tanyag ang school na 'yon noong kapanahonan pa namin, marami ng nagbago.

"Hindi mo natanong?" nilingon ko ito. "Matitino naman siguro ang sa atin."

"Hindi. Mas nag-focus kasi ako kahapon sa mga questions na ibibigay natin sa students."

Napatingin ako sa folder at iilang papel na hawak nito saka tumingin sa dala kong brown envelope kung saan ang mga papel na gagamitin ko.

"Dean's lister ka na, Chels," biro ko.

Natatawang hinampas ako nito na ikinalukot ng mukha ko. Kung tatawa, tawa lang, walang hampasan.

"Ay sorry! Ikaw kasi e! Alam naman nating hindi ako aabot sa gano'n. Ayos na sa 'kin kahit hindi masali sa dean's list, basta ba makapasa lang at maka-graduate solve na solve na ako," anito. Ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up. "Hindi na ako mangangarap ng ganoon, Rayzeah, kasi ako lang din naman ang uuwing disappointed."

"Tamad ka lang talaga."

"Aminado ako banda diyan. Hindi naman kasi ako katulad mo na kayang pagsabayin lahat. Grabe ka, Rayzeah. Tao ka pa ba?"

Isa ako sa mga estudyante na palaban academically. Aminado akong mahirap, pero nae-enjoy ko naman. Sikat ang mga students na may ganoong potential sa campus namin, tinitilian pa nga at binabati tuwing makakasalubong. Gano'n rin naman ang mga estudyante sa 'kin tuwing nakikita o nakakasalubong ako. Nginingitian at binabati ko rin naman sila pabalik.

Mahinang kinurot ko ang braso nito na ikinatili niya. "Gaga. Anong tingin mo sa 'kin? Engkanto?"

"Joke lang," she chuckled.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now