Chapter Eighteen

633 22 0
                                    

HINDI pa sumisikat ang araw ay naimulat ko na agad ang mata ko. Malamig, hindi sanay ang katawan ko sa aircon. Naghikab ako at umikot nang makaramdam ng pananakit ng katawan pati na rin ng ulo ko. Umupo ako at muntik na mapasigaw. Hindi ko alam kung anong mayro'n, pero sobrang sakit ng buong katawan ko. Napaigik ako nang ibaba ko ang paa ko at may sumidhing sakit sa bulaklak ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko lalo na at masakit rin ang ulo ko.

"Bakit wala akong damit?" bulong ko sa sarili nang mapansing wala nga akong damit.

Hubo't hubad. Don't tell me—

"Tangina," naiusal ko nalang nang makita ko ang maamong mukha ni Alzien sa kama at wala rin itong damit pang-itaas.

Nawalan ako ng imik at pinroseso muna ang nangyari kagabi. Wala akong maalala. May mga scenario sa utak ko na sa tingin ko ay nangyari kagabi. Bukod doon ay nanaginip din akko tungkol doon sa kwento ni Ishikawa kagabi. Huminga ako ng malalim at sinikap na maglakad papunta sa banyo ng kwarto. Punyeta gaano ba kalaki iyong kay Alzien at hirap na hirap akong maglakad? Nakakairita. Mabuti nalang ay hindi ako nabuwal hanggang sa makapasok ako sa banyo.

Humarap ako sa salamin at nakita ang red marks sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Sa leeg, dibdib, takte pati sa tiyan mayroon din. Nag-breath in at breath out ako para pakalmahin ang sarili dahil gustong-gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng frustrations ko. Punyeta, kaka-graduate ko pa lang ganito na agad. Isa ito sa mga rason kung bakit hindi ako umiinom. Ayokong may mangyaring pagsisisihan ko at ito na nga, nangyari na. Hiling ko lang ay sana hindi pinutok ni Alzien sa loob. Hindi pa ako handa.

I'm not that naive para sa bagay na ganito. May posibilidad na mabuntis ako kung sa loob niya pinutok. Ayoko pa. Gusto ko pa magtrabaho at i-enjoy ang buhay graduate ko. Ayokong tumuntong lang sa wala iyong pag-aaral ko at paghihirap ko. Punyeta ayoko pa.

Dumausdos ako at tahimik na umiyak, pinagsisihan iyong nangyari. Tinakpan ko rin ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Tumayo ulit ako at pinunasan ang luha ko saka lumabas at kinuha ang damit ko sa bag. Buti nalang talaga at nagdala ako ng spare clothes. Nilinis ko rin iyong nagkalat kong damit at nilagay sa bag. Bumalik ako sa banyo at naligo. Matapos maligo ay nagbihis agad ako at wala sa sariling tinignan ang repleksyon sa salamin. I don't feel like the same me anymore. Parang may kulang na agad sa 'kin.

Tinakpan ko ulit ang bibig ko nang magsimulang magsilaglagan ang iilang butil ng luha sa mata ko. Virgin or not, I think I still need to be respected. Bakit ba ako nag-aalala? Kung hindi naman nila malalaman, hindi nila ako huhusgahan. Pero... paano nga kung sa loob nilabas ni Alzien? Huhusgahan nila ako kapag nabuntis ako. Walang boyfriend o asawa pero nabuntis. Punyeta ano ba 'tong pinasok ko? Gusto ko maging kalmado pero ayaw ng luha ko at parang iniipit din ang dibdib ko. Ang hirap huminga. Humikbi ako ng humikbi. Sunod-sunod kasabay ng pagsinghap.

Mas lumala ang paghikbi ko nang bumukas ang pintuan ng banyo at nagkukumahog na lumapit si Alzien sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. Paulit-ulit din itong nags-sorry at hinahalikan ang ulo ko kasabay ng paghaplos nito sa likod ko.

"Sorry. Sorry. Hindi dapat... sorry. Rayzeah..."

Hindi ako galit. Walang may kasalanan, pareho naming ginawa at aksidente ang bagay na 'yon, dala lang ng kalasingan. Tignan mo nga naman nang nagagawa ng alak.

Nagtagal din ng ilang minuto ang hikbi ko. Suminghap ako at kumawala sa yakap ni Alzien sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Malamlam ang mga mata nito. Wala itong pang-itaas na damit at pants naman sa ibaba.

"What we did was wrong, pero wala tayong magagawa, nangyari na e. Umakto nalang tayo na hindi nangyari 'yon," huminga ako ng malalim at umayos ng tayo.

Favorable din naman iyon sa kaniya. Hindi niya na ako kailangang pananagutan dahil lang sa siya ang nakauna sa akin at mas gusto ko ring kalimutan nalang ang nangyari. Umawang ang labi ko nang dumukwang ito at na-corner ako nang ilagay niya sa magkabilang gilid ko ang kamay niya, nakahawak sa sink. Blangkong inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Napakalapit ng mukha nito sa 'kin at seryoso lang din ang mukha nito.

"You want me to forget and act like nothing happened after that?" nagtagis ang bagang nito.

"Favorable din iyon sa 'yo. That was a mistake, at hindi mo kailangang panagutan ako dahil pareho naman nating mali 'yon. Hindi ka matatali sa 'kin, Alzien. Please, kalimutan nalang natin 'yong nangyari," I begged.

"Putangina. Gusto kitang panagutan," hirap na bulong nito na ikinagulat ko.

He wanted to what? Nabingi yata ako.

"Ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Nag-aaral ka pa, Alzien, huwag mong sirain ang kinabukasan mo dahil lang dito."

Tumitig siya sa 'kin. May kakaibang kislap ang kaniyang mga mata.

"Pinutok ko sa loob."

"A-ano?" kabadong tanong ko.

"Pinutok ko sa loob," mariing ulit niya.

Nataranta ako. Nangapa ng sasabihin.

"H-hindi naman ako mabubuntis agad niyan. Huwag mo na ipilit, Alzien. Wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan. Mali natin 'yon pareho. I won't ruin your future with this, Alzien. Gamitin mo ang utak mo. Kritikal ang sitwasyon ng pag-aaral mo. Wala kang responsibilidad sa 'kin," litanya ko.

Tinulak ko ang braso nito at lumabas ng banyo. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri, kinuha ang bag na may lamang damit at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa baba at natagpuan doon si Soleste na nagkakape at nakatulala.

"Good morning. May aspirin diyan inside sa drawer, drink one para hindi sumakit ang ulo mo."

Iyon ang sinalubong niya sa 'kin nang makita ako. Hindi pala kape ang iniinom.

"Ah hindi na, hindi masakit ang ulo ko. Aalis ako ng maaga, uuwi ako ngayon."

"Breakfast ka muna."

"Sa apartment nalang. Alis na ako, pasabi nalang sa iba."

Nangunot ang kaniyang noo, nagtataka siguro sa pagmamadali ko.

"O-o sige."

Nagmamadaling lumabas ako sa bahay nila at pinilit ang sarili na maglakad ng normal. Punyeta hindi masakit ang ulo ko, pero masakit iyong bulaklak ko sa ibaba. Bwesit.

Pagdating sa apartment ay inimpake ko agad lahat ng dadalhin ko. Hindi na rin ako nag-breakfast at dumiretso nalang sa may sakayan. Hindi rin nagtagal ay may dumating na bus kaya sumakay na agad ako. Tatlong bus pa ang sasakyan ko para makarating doon at apat hanggang limang oras ang byahe. Buong byahe ay nakatulala lang ako at lumulutang ang isip.

Mabait si Alzien at masasabi ko ring responsable, maliban sa pera kasi waldas lang naman ito ng waldas. Pero may malaki kasing posibilidad na hindi siya tulungan ng mga magulang niya sa pag-aaral, ayokong dumagdag sa problema niya sa buhay. Kung may mabuo man... wala, walang mabubuo. Punyeta hindi ko maiwasang mag-isip. Paano nga kung may mabuo? Hindi ako makakapagtrabaho kapag may mabuo. Pero blessing 'yon, kahit bunga pa 'yon ng pagkakamali. A baby is a blessing. Hindi pa ako ready maging ina, wala sa plano ko 'yan, pero kung mayroon nga— aalagaan, mamahalin at palalakihing mabuti. Ang bilis isipin pero ang hirap gawin, punyeta.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now