Chapter Eleven

650 26 0
                                    

"ATE Chelsea! Ate Rayzeah! Dito po!" kumaway-kaway si Cielo sa amin.

Gustong makipagkita ni Cielo sa amin pagkatapos ng klase. Buti nga at hindi umabot ng gabi ang klase namin ngayon. Medyo easy muna ang mga professors sa amin dahil may mga naka-assigned works din kami for this week. Next week panibago na naman, hanggang sa matapos itong school year. Kaunti na lang talaga, maaabot ko na.

"Anong kailangan mo?" tanong agad ni Chelsea sa kapatid.

What a bully sister.

"Magpapatulong sa portfolio namin! Kung kailan malapit na ang graduation, saka naman tumambak mga gawain sa school," mangiyak-ngiyak na sumbong nito.

Chelsea crossed her arms under her chest. I cleared my throat. Marahang binangga ko ang braso nito para magtigil siya ngunit hindi pa rin ito nagpatinag.

"Ano naman kaming mga college students na graduating rin? Tingin mo ba naglalaro lang kami, ha? Akala mo ba puro lang kami gala? Ikaw, kaltukan kaya kita diyan," asar na sabi ni Chelsea.

"Stress din ako, Ate. Terror si Ma'am, kaunting mali lang hindi na tatanggapin."

Bubuka na sana ang bibig ni Chelsea pero inunahan ko na siya.

"Ano bang need sa portfolio niyo?" kalmadong tanong ko. Umupo kami ni Chelsea sa harap ni Cielo at nilapag ang mga bitbit na gamit galing sa school.

"For work immersion po, Ate Rayzeah. Last quarter na po ito at immersion na namin. Eighty hours so bale five days training in two weeks po."

"Ah. Exciting 'yan kaya huwag kang mag-alala. Terror teacher?" tanong ko na ikina-tango naman ng huli.

Hindi naman ganoon kahirap magkaroon ng terror teacher para sa 'kin, tamang sipsip lang para maging "the best" ka sa paningin niya. Babatiin at tutulungan tuwing nakakasalubong, gano'n. Minsan na rin kaya ako naging sipsip, hindi ko ide-deny ang bagay na 'yon.

"Kaya 'yan. Tutulungan ka namin. One of the most important things is to have your portfolio organized and clean," litanya ko. "May sweldo ba sa immersion niyo? May ibang work immersion kasi na hindi binabayaran dahil under supervision iyon ng school."

Hindi namin naranasan ang work immersion dahil research paper ang pinagawa sa amin noon. GAS students kami ni Chelsea. ABM na nga sana ako dahil sure na ako sa kurso na kukunin ko pero si Chelsea ayaw humiwalay sa 'kin.

"Hindi ko pa po alam, Ate Rayzeah. Pero narinig ko sa mga kaklase ko na depende raw po iyon sa tatanggap sa 'kin, kung magbibigay ng sweldo o hindi."

"Gaga! Ang dami mo pang gagawin, Rayzeah! Kami na bahala dito, kaya ko naman," asik ni Chelsea.

"Bakit? Kaya mo talaga?" blangkong tanong ko.

"Kakayanin! Ikaw, lumayas ka na dito. Ihanda mo na 'yong speech mo," sabi nito.

"Speech para saan?" nagtatakang tanong ko.

"Running for Summa Cum Laude ka 'di ba? Go for it, girl! Ihampas mo kay Aia lahat ng matatanggap mong medals pati certificate, isama mo na rin pati toga," aniya saka siya tumawa.

Naalala ko tuloy iyong naging usapan namin ni Aia. Girly is jealous with the achievements that I deserve and worked hard for.

"Aggressive, huwag kang gagaya sa Ate mo, Cielo. Hindi ako nagbabalak maging Summa Cum Laude, Cum Laude lang ayos na sa 'kin," ani ko.

Hindi ko nga alam kung makakapasok pa ako sa pagiging laude. College is challenging as damn. Hindi na siya nadadala ng cramming.

"Wow, humble!" pumalakpak si Chelsea.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now