Chapter Five

720 24 0
                                    

BINUKSAN ko ang pintuan ng apartment ko. Bukas ko na siya pagbabayarin sa may-ari, nasa kalagitnaan na ng gabi. Ang creepy naman kung kakatok kami. Siguro ay bulyaw ang isasalubong ng landlady sa amin.

"Sofa bed 'yan, diyan ka matutulog," sabi ko.

Isinabit ko sa rack stand ang bag ko pati na rin 'yong kaniya. Tinanggal ko na rin ang sapatos ko at napansin ko namang ginawa niya rin ang ginawa ko. He even put his shoes beside mine.

"Hindi ako marunong magluto, kumakain ka ba ng de lata?" tanong ko.

"Hindi ka marunong magluto?" nagtatakang tanong niya.

Umiling ako bilang sagot. Marunong ako no'ng mga basic, prito-prito lang. Busy ako sa school at work kaya wala akong time para mag-aral paano magluto, wala rin kasing nagtuturo sa 'kin. Tuwing nasa pinagtatrabahuan ako at sa kitchen ay tumutulong lang ako sa paghuhugas at minsan ay doon lang ako sa food section, nag-aayos ng mga labels.

"You lived alone yet you don't know how to cook." Tumayo ito at lumapit sa 'kin.

Mas matangkad nga siya sa 'kin. Isang high school student na mas matangkad sa college student. Normal 'yon. Mas matangkad talaga mga lalaki kaysa sa babae. He's tall and broad. He's a teen, right? How is that possible? Or was it because he's a mix? He looked so good with his messy hair and emotionless orbs.

"Marunong naman, 'yong mga basics lang," I answered softly, still mesmerized with his physique.

"I'll cook."

Tumabi ako at hinayaan siya. Binuksan niya ang mini-ref ko at inilabas roon ang karne na kakabili ko lang kahapon.

"Are you sure? Kaya ko naman. I know how to fry," I reluctantly said.

"Hm," he nodded.

Inabot ko ang apron at binigay sa kaniya iyon. Seryoso lang ang mukha nito nang inabot niya iyon sa 'kin. It didn't even reach his knees when he wore it. Nagmukhang bitin ang apron sa katawan niya.

"May tee shirt ako. Baka madumihan 'yang long-sleeve mo."

"Kanino galing?" nag-angat siya ng tingin sa 'kin.

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ba halata na mahilig ako sa mga tee shirt?

"Akin. Kanino naman manggagaling 'yon?"

"Akin na." Tumigil siya sa ginagawang paghiwa at naghugas ng kamay. Flex na flex ang malaki at maugat na kamay. My lips formed into thin line as I turned my back on him, unable to utter any word.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha iyong malaking tee shirt ko na abot hanggang ibaba ng tuhod ko. Mukha nga akong naka-duster kapag sinusuot ko ito. But it's comfortable.

"Heto. Ito lang ang maipapahiram ko, wala na akong ibang spare shirt na ganiyan kalaki."

Walang alinlangan na hinubad niya iyong suot niyang damit sa harap ko. Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Pasimple akong naglakad palayo at bumalik sa kwarto. Umupo ako sa kama at habol ang hininga. Anong nangyari? Diyos ko po. Ang laki ng tinapay, halatang matigas. Iyong biceps niyang nakakapanghina— oh, my God! What are you thinking, Rayzeah? Umayos ka. High school student 'yon.

Tumayo ako at muling lumabas. Nakatalikod ito mula sa 'kin at nagp-prito. Ang laki niyang tao. Parang ang liit lang tignan ng kusina ko sa laki niya.

"Wala akong shorts na maipapahiram sa 'yo. Isang gabi ka lang naman dito 'di ba?" tanong ko.

Humarap siya sa 'kin bitbit 'yong frying pan. "Hindi ko alam."

Agad akong umalma. "Anong hindi mo alam? Hindi ka pwedeng magtagal dito. Tatawagan ko si Cielo bukas. Doon ka na lang muna sa kanila manatili. You're not alllowed here and my place is too small for two people."

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now