Chapter Twenty Four

609 26 0
                                    

WE stayed at the hospital for a few weeks. Hindi pwedeng ma-excuse si Alzien kaya pumapasok pa rin ito. May bantay naman ako dahil halos sa ospital na natutulog ang mga kaibigan ko. They're fond of our little angel. Malusog na malusog ang bata at malakas rin kung dumede. Hindi na ako buntis pero emosyonal pa rin ako, lalo na kapag hawak ko si baby.

"Ano ba talagang pangalan ni baby? Ang pangit mo ayaw mo sabihin," pangungulit ni Chelsea habang nagpapa-breastfeed ako.

Nasa school si Alzien, hindi nga papasok kung hindi ko pinilit. We just came home and he can't seem to leave his son. Iba na ang schedule niya ngayong second semester na nila. Mas maaga na ang pasok at maaga rin ang uwi. May schedule rin itong isang subject lang sa isang araw at paborito niya 'yon sa lahat ng subject niya.

"Ang cute-cute naman ng baby na 'yan, ang lusog-lusog pa," kumento ni Mariko.

Ang singkit na mata nito bumukas. Hindi naman iyakain kapag maraming tao pero nas-stress ako dahil bumabawi sa madaling araw. Hindi ko alam kung saan galing ang pagiging singkit dahil hindi naman ako singkit.

"Nasaan si Kiko at Soleste?" tanong ko.

The two is nowhere to be found and it's new. Palagi rin kasing nandito ang dalawang iyon.

"Si Kiko bumalik sa Japan, may kukunin daw. Iba talaga kapag sobrang yaman 'no? Ginawang probinsiya ang Japan, hayop," sagot ni Mariko.

"On the way na si Soleste, tatlo na kaming mangungulit sa 'yo, ayaw mo kasi sabihin madamot ka," sagot naman ni Chelsea.

His name was supposed to be Asher which means "happy and blessed", or Adiel which means "blessing from God". But we ended up with Jacob Shiobe Matthew. Jacob means "supplanter" while Matthew means "gift of God". Dinagdag lang ang Shiobe dahil gusto ni Alzien. Jacob Shiobe Matthew Alonzo Dela Rama. Alzien wants to put it that way.

"Jacob nga," salubong ang kilay na sabi ko.

Umawang ang kaniyang labi at nanlaki ang mga mata.

"Oh, my God! Jacob? Ang gwapo na nga ng anak mo ang gwapo ng pangalan! Maawa ka naman sa mga babae!" sigaw ni Chelsea na ikinaiyak ng anak ko.

Very OA. I tapped the baby's leg lightly. When our neighbors found out that I already gave birth, I was bombarded with advice which I wholeheartedly accepted. Huwag kong sanayin na sinasayaw dahil kapag nasanay ay hindi na matutulog kapag hindi nasasayaw. That I should just tap itss legs lightly while feeding so it would fall asleep that way.

"Isang sigaw mo pa lalagyan ko ng zonrox 'yang bibig mo," mariin na sabi ko.

Ngumiwi siya pero napalitan rin iyon agad ng ngisi. Hinaplos-haplos niya ang mukha ni Jacob.

"Sorry na nga. Sleep na ang baby na 'yan, oo sleep na."

Lumapit si Mariko sa amin at tinampal ang kamay ni Chelsea. Chelsea reacted violently because of that and gave Mariko a death glare.

"Bawal 'yan ah," alma ni Mariko.

Chelsea frowned, not getting what Mariko meant. Iyon sigurong paghaplos niya sa mukha ni Jacob. Some of my neighbors said it's not allowed because the baby's skin is sensitive. Ang sabi rin naman ng iba ay ayos lang.

"Alin ang bawal?" she innocently asked.

Hinipan ko ang medyo makapal na buhok ni Jacob. He has a lot of hair for a baby.

"Iyang paghaplos, bawal pa 'yan kasi sensitive pa ang mukha ng baby. Huwag mo ginaganyan, anak mo ba 'yan?" mataray na sabi ni Mariko.

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Chelsea fired back.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now