Chapter Twenty Two

623 22 1
                                    

THE next few weeks were a blast to us. Natanggap si Alzien sa scholarship. Ang unang ginawa niya ay ang pag-ayos sa schedule niya. Ang oras na pinili niya ay hindi masyadong maaga. He said he wants to always cook breakfast for me. Wala siyang tiwala sa cooking skills ko.

Class officially started and I didn't even realize that my womb is in it's third month now. Kahit mag-tee shirt ako ay halata na siya. And Alzien loves cuddling with it before or after school.

"Kumusta?"

May dalang isang plastic ng putting strawberries at chocolate syrup si Chelsea nang pagbuksan ko. Madalas ang pagbisita niya sa tuwing wala si Alzien sa bahay. Papalit-palit silang apat at minsan naman ay sabay-sabay.

"Bump still intact. Bakit marami ang binili mo? Wala akong pera, Chels."

Itinaas niya ang plastic na dala.

"Ito? Hindi ko naman sinabing babayaran mo. Para ito sa inaanak ko 'no."

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Kakalipat lang namin noong nakaraan kaya nagkalat pa ang mga gamit sa sala. Paunti-unti ko namang pinapasok sa kwarto ang mga gamit ko kapag walang ginagawa.

"Kahit isang palapag lang ang bagong bahay niyo ang laki pa rin. At may chandelier pa, ha?"

Pinaupo ko siya sa couch. I was already eating a few leftovers of strawberries before she came. Ngayon na nandito siya ay pinagtuunan ko agad ng pansin ang binili.

"Nag-aalala ako sa bayarin. Kahit marami ang collection niya ng kotse ay madali naman iyong maubos."

"Malaki naman ang sahod niya sa trabaho. Tutulungan rin kitang maghanap kapag lumabas na si baby at pwede ka na ulit magtrabaho," ngumiti ito. "Saan mo ba nilalagay itong mga gamit mo at mukhang nasa kalagitnaan ka pa sa pag-aayos?"

Bumuntonghininga ako. Tinatamad na naman akong tapusin. Ang mangyayari ay hihilata na naman ako buong maghapon.

"Nilalagay ko sa kwarto ko. Ang ibang gamit dito ay kay Alzien."

Nagsisimula ng nine AM ang klase ni Alzien at kadalasan ay nakakauwi na siya bandang ala sais. By that time, it's either nagluluto ako o tulog. Gano'n palagi ang nadadatnan niya. Ang mga gamit naman, malaki ang progress ng paglilinis kapag wala siyang klase.

"Tutulungan na kita. Hindi pwede sa 'yo ang magbuhat ng mabibigat."

Ngumiwi ako. It's just a few boxes of clothes. Hindi masyadong marami ang damit ko dahil outfit repeater naman ako.

"Nag-lunch ka na?" tanong ko.

"Yep!"

Hinahalungkat niya na ang mga gamit ko. Chelsea is always glowing. Palagi ring masaya na parang walang problema. Gusto ko siyang tanungin sa mga bagay-bagay pero gusto ko rin siyang bigyan ng privacy.

"Buti hindi nagtatampo si Jehovah, nandito ka araw-araw e," ani ko habang pumapapak ng strawberry.

Hindi alam ni Alzien na kinakahiligan ko ito. Patago ako kung kumain. At naka-plastic kapag nasa ref para hindi niya mapansin.

"Sa kaniya naman ang uwi ko gabi-gabi, 'tsaka may trabaho rin naman siya. Hindi katulad ko na tambay lang, pabigat pa rin sa buhay ng Mommy at Daddy," ngisi niya.

"Umayos-ayos ka, Chelsea ah, kung ayaw mong mabaril si Jehovah ni Tito"

Huminto siya sa ginagawa at nanlaki ang mga mata, slowly realizing what I meant. Hindi naman siguro nila ginagawa ang bagay na 'yon. Malisosya lang talaga ako.

"Gaga joke lang naman. Hindi naman ako nagtatagal dito, saktong pag-uwi ni Jehovah naghihintay na ako sa sala. Understanding naman si Jehovah, naiintindihan niya kung bakit palagi kitang pinupuntahan," litanya niya.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now