Chapter Twenty

688 24 0
                                    

KINABUKASAN ay nagpahatid ako kay Alzien sa pinagtatrabahuan ko. Sasabihin ko kay Miss Megan na hindi ako makakasama. Maghahanap na lang ako ng trabaho na pwede kahit nasa bahay lang.

Alzien would immediately shut me off whenever I say things about my job. At ang mga gamit na inempake ko ay nilagay niya sa aparador. Nagising na nga lang ako at nasa kalagitnaan na siya sa pag-aayos.

"Dito ka lang, babalik ako agad."

He clicked his tongue. Masyado siyang extra. Wala namang mangyayari sa anak niya. Anak ko rin naman ito at alam ko kung paano alagaan ang sarili. I get that he's being protective pero huwag naman sanang to the point na gusto niyang bumuntot sa kung saan ako pumunta.

"Sasamahan kita. Paano nalang kung mabuwal ka diyan?"

Hinihiling ko sa Panginoon na sana ay bigyan niya pa ako ng mahabang pasensya para hindi magawan ng masama ang OA na 'to.

"Diyan ka lang, babalik din naman ako agad," irap ko.

Naiinis ako. Isa rin 'to sa mga sinabi ni Doc kahapon, magkakaroon daw talaga ako ng sudden change of mood, kumbaga emosyonal. Ganoon daw lahat ng buntis. Dapat daw habaan ang pasensya ng asawa ko. Wala ako no'n, Doc, wala ako no'n.

Sa backdoor ako dumaan. Palagi namang bukas iyon dahil doon dumadaan ang mga staff. Bumungad sa akin ang kusina ng resto. Ngumiti sa akin ang mga katrabaho at binati pa ako. Lumapit ako sa counter kung saan nakatayo si Miss Megan.

"Oh, Rayzeah, nandito ka? Nakahanda ka na ba sa flight mo?"

"Miss Megan, hindi ako makaka-sama."

Tumingin muna siya sa paligid at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. We entered her office and she made me sit in front of her.

"Bakit? Malaking opportunity 'to para sa 'yo, Rayzeah. At ako mismo ang nagrekomenda sa 'yo na mapadala roon. Alam ko ang kakayahan mo kaya sayang kung hindi ka sasama."

Alam ko naman 'yon. Pero sa tingin ko, ngayong buntis ako, hindi ako pwedeng tumayo ng matagal. Waitress ako at ganoon ang trabaho.

"Personal matters po kasi."

Miss Megan tried to hide her worry with a straight face that resembles mine. May pagkakapareha talaga kaming dalawa ni Miss Megan pagdating sa mga ekspresiyon. She's not as open as book but not hard to read either.

"Gano'n ba? Dito ka nalang magt-trabaho?"

Umiling ako, determinado na tumigil muna pansamantala.

"Hindi po. Hindi po muna ako magt-trabaho pansamantala. Kapag ayos na po ay baka maghanap ulit ako ng trabaho. May iba rin naman po akong katrabaho na deserving sa posisyon na 'yon kaya..."

Inabot ni Miss Megan ang kamay ko na nasa kaniyang mesa. Marahang hinaplos iyon at may ngiti sa labi.

"Okay sige, pero magtitira kami ng slot sa 'yo doon sa branch sa ibang bansa para kapag nagbago ang isip mo ay maaari kang lumapit ulit sa akin. Kapag may kailangan ka rin ay tawagan mo lang ako o si Cacai, may number ka naman naming dalawa, hindi ba?"

Tumango ako. Hindi ko gagawin iyon. I wouldn't take for granted their kindness. Sapat na na tinrato nila ako ng maayos sa loob ng higit limang taon kong pagt-trabaho sa kanila.

"Matatagalan pa po siguro bago ako makapagtrabaho ulit. Huwag na, Miss Megan."

I took a leave for a few weeks after the graduation. Pinayagan rin ako dahil never naman akong nag-request ng gano'n simula nang magtrabaho ako sa kanila. Pinaghahanda na rin ako para sa mga dadalhin ko sa ibang bansa pero ito nga, nangyari ito at kailangan kong huminto muna.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now