Chapter Fifteen

651 28 0
                                    

NANDITO kami sa rooftop na pagmamay-ari daw ng kaibigan ni Tito, Daddy ni Chelsea. I'm not very sure with the details. Gabi na kaya kitang-kita mula rito sa taas ang night lights sa ibaba. Hindi pa naman masyadong late, eight PM pa e. Dumating kami dito kanina mga five na, tapos may dalang pagkain si Chelsea at Cielo.

"Kayo ngayon tapos kami naman sa susunod," imik ni Chelsea.

Imbes na mainis ay nagtaka ang mukha ni Cielo. She didn't pick what Chelsea had said. I could only sigh because of her innocence.

"Slow. Graduate kayo kahapon, tapos kami naman ni Rayzeah ga-graduate sa susunod," irap ni Chelsea. "My goodness ha, napaka-slow."

Nanatili akong tahimik habang nag-uusap naman ang dalawa, more on bangayan pala. Maya-maya pa ay umilaw ang cellphone ko sa tabi. Kinuha ko iyon at tinignan, si Alzien, papunta na. Akala ko wala siyang balak pumunta. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ni Alzien sa buhay niya, ni hindi ko nga alam kung saan siya pumupunta at wala rin naman akong balak alamin.

I waited for a couple of minutes. Alzien sent me another text telling me that he's downstairs. Napatingin silang dalawa sa akin nang tumayo ako bigla.

"Gaga ka! Bigla-bigla ka nalang tumatayo, kinakabahan ako sa 'yo." Chelsea's lips parted after saying those words.

I didn't acknowledge what she said. Wala ako sa mood magsalita at makipagbangayan ngayon.

"May kukunin lang ako sa baba."

The building is full of light especially the hallways. Piling palapag lang ang walang ilaw. It's not eerie out there so I'll be fine. Hindi rin naman ako matatakutin.

"Ha? Gabi na, Ate Rayzeah. Tayo lang tao dito, sure ka ayos lang sa 'yo mag-isa sa elevator?" paninigurado ni Cielo.

Tumango ako.

"May guard naman sa baba, 'di ba? Mamayang twelve pa ang uwi no'n. I'll be fine."

Chelsea moved a few things. I groaned. She lit up the mini stove that we brought earlier and started heating up the pan. Baka pagbalik ko ay marami na siyang naluto.

"Sige, balik ka agad. Bili ka nga din pala soju, salamat!" bilin ni Chelsea.

Iinom siya? Akala ko ba kwentuhan at midnight snack lang?

"Ayoko ng kaibigan na umiinom," blangkong ani ko.

Chelsea let out a nervous chuckle. It was a joke. She can do whatever she wants.

"Ito naman, joke lang e. Bili ka maraming mogu-mogu sa malapit na store."

"Pera?" nilebel ko sa mukha niya iyong kamay ko.

Napatitig siya si kamay ko. It lasted for a couple of seconds. Her face went from calm to sarcastic.

"Ano ka sinuswerte? Paghatian natin oy! Wala rin akong pera, gipit era muna ako ngayon!" sigaw nito at naglapag ng singkwenta sa kamay ko, maging si Cielo narin.

Pwede na, hihingi din ako ng fifty pesos kay Alzien tapos fifty din sa akin, two hundred na agad. Lumabas ako ng rooftop at pumasok sa elevator. Hindi naman nakakatakot dito sa elevator, nakakatuwa nga kasi may LED lights dito at party lights, ngayon lang ako nakakita ng elevator na ganito ang design. Maganda sa paningin.

"Kanina ka pa? Bakit hindi ka pumasok?" tanong ko kay Alzien nang madatnan itong nakasimangot at nakaupo.

"Ayaw ako papasukin ng guard. Suntukin ko sana e, kaso baka magalit ka," sagot nito.

Lumingon ako sa guard. I totally understand. Hindi ko rin nasabi na may lalaking dadating. Partly my fault and I totally... damn understand.

"Akala ko kasi magnanakaw, Ma'am. Manghihinayang nga sana ako kasi ang gwapo naman tapos magnanakaw lang. Pasensya na ho."

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now