Chapter Sixteen

626 28 2
                                    

THAT double celebration ended smoothly. A week after that, we passed our last and final papers for this semester. The next week, our grades were announced. I was smiling the whole time our professors announced the highlights of our graduation after announcing our grades. When the professor left, I excused myself and went to the comfort room. Doon ay umiyak ako ng umiyak.

I've never been so proud of myself for doing good. Not until this.

Panay ang singhot ko habang nakaupo sa isa sa mga cubicle. I wanted to laugh at myself for crying out of happiness. All the hardships that I went through started appearing. Waves of memories came back. Bawat iyak at hikbi ay dala ang puot at hinagpis sa mga nagdaang taon.

Huminto ako saglit nang marinig ang pagbukas ng pintuan sa comfort room.

"Rayzeah? Nandito ka ba?"

Boses iyon ni Chelsea. I choke on myself. Mas lalo akong nakaramdam ng hinanakit. Bumalik sa akin ang kung paano ako abutan ng tulong ni Chelsea sa tuwing gipit ako. How painful it was and how thankful I am. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Silang lahat.

"Uy, magsalita ka naman. Tumatae ka?"

Sa gitna ng mga hikbi ay ang pagtawa ko. Chelsea found me in the last cubicle. Sa kaniyang likuran ay ang tatlo pang kaibigan. Akala ko ay tatawa si Chelsea pero pumalahaw siya ng iyak nang makita ang kalagayan ko.

"Hoy, bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Ngumiwi siya ngunit umaagos pa rin ang luha sa mga mata. Suminghot-singhot at nanginginig na hinawakan ang kamay ko.

"Sinosolo mo naman e. Nandito naman kami."

I looked at them individually. Soleste and Mariko is wiping their tears, too. And Kiko's eyes is red. I can't help but cry even more.

"Bakit pumasok ka rito? Comfort room ito ng mga babae," iyak ni Mariko kay Kiko.

"Babae na rin ako ngayon, sismars."

Chelsea embraced me into a tight hug. Nanginig ang labi ko.

"Chelsea..." I uttered.

"Nakaka-proud ka, alam mo ba 'yon? Hindi pabor sa 'yo ang panahon pero nagpursigi ka pa rin." Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Congratulations, Rayzeah. Summa cum laude. My favorite girlie."

Tuluyan na akong humagulhol. Nagsimulang mag-ingay ang tatlo pa at nakiyakap na rin. Rayzeah Carangevill Alonzo. Summa Cum Laude. Grabe. Ang sarap banggitin. Ang sarap sa pandinig.

All of what I did paid off.

"Hindi ko inakalang aabot sa ganito. Akala ko hanggang high school lang. Iyon ang plano. High school lang at diretso na trabaho..." humikbi ako. "Hindi ko kaya mag-aral at magtrabaho."

Humigpit ang yakap ni Chelsea. Si Chelsea na kaibigan ko. Si Chelsea na laging nasa likod ko. Si Kiko na sa pagkain bumabawi. Si Soleste na nagpapasakit sa ulo ko at si Mariko na matabil ang dila. Mean girls na maaasim.

"I've cried countless times... thinking what would happen to me if I stop." I trailed off. "Kapag nakikita ko kayong lahat, gusto ko na ulit magpatuloy. Kapag ako lang mag-isa, gusto kong sumuko. Ang lungkot mag-isa. Hindi ako lumiliban sa klase para palagi ko kayong nakikita. In that way, I could push myself to continue..."

Chelsea hardly breathes. I could even barely see anything. All I could think of is how to tell them what I feel. The longing inside me is slowly lifting up. Hindi naman lahat ng barkada masama ang impluwensya.

"Salamat... sa inyo. I dedicate this award to the four of you. Chelsea, Mariko, Soleste, and of course, Kiko."

I closed my eyes and remembered the time when Chelsea first handed me with a money. Nagtatalo pa kami no'n dahil nalaman niyang wala akong balak pumasok sa college. I didn't show any interest on entering college. Wala akong balak tanggapin ang perang iyon kung hindi lang personal na lumapit si Tito at Tita sa akin.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now