Chapter Twenty Seven

658 29 0
                                    

MAY minsan talagang pumapasok sa isip ko na ang sarap bumalik sa pag-aaral. Reality hits hard after graduation. Reality is so damn stressful. I work day and night and I can feel my body burning everytime I get home from work. I needed to hire a nanny for Jacob so I can work well. Ang day off ko lang ay sabado at linggo.

Mula sa pagiging waitress ay na-promote ako bilang hotel manager. And it was months after I work day and night. Si Miss Cacai mismo ang lumapit sa akin upang ipaalam na promoted ako at ako na ang magsu-supervise sa mga bagong staff at pagma-manage ng budget.

Jacob is nearing one. He started blabbering too, starts to learn how crawl on his own. Dahil sa promotion ay medyo naging maluwag ang schedule ko sa trabaho. Nagt-trabaho ako noon umaga at gabi dahil hindi kasya ang sweldo ko sa aming dalawa ni Jacob. And now that I am starting to get better financially, I can finally give time to my son.

"What do you want? Strawberries?" I gently asked.

Ang Pinay na kasama namin ay naglilinis sa sala. Jacob is sitting on his high chair while trying to get the white strawberries in the table.

"Bla... bla... bla..."

Napatikhim ako at hindi na naiwasang mapangiti.

"Lana, may tumawag ba dito habang wala ako?" tanong ko.

Si Lana na naglilinis ay lumingon sa akin.

"Wala po, Ma'am."

I sighed and nodded. Alzien contacted us a lot of times but it suddenly stopped when Jacob was six months. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag. Kapag naaalala ko ang kalagayan niya hindi ko maiwasang mag-alala. I wanted to ask how he is. Hindi naman siguro iyon pinapahirapan ng mommy niya.

"You want strawberries, baby?" pansin ko sa anak.

Itinulak ko ang lagayan palapit sa kaniya. He immediately grab two. Tig-isa sa magkabilang kamay. Hindi niya naman iyon nakakagat ng buo kaya pilaitan ko ng mas maliit para masipsip niya.

I have no plans to build a business yet. Uunti-untiin ko muna ang pagpaplano. Jacob is still a baby and I can't be busy with new business. Trabaho muna ngayon habang lumalaki ang bata.

I spent the whole afternoon playing with Jacob. He's starting to get clingy. Nakakaalis lang ako ng aparment kapag tulog ito at kapag nagigising ay ako naman ang laging hinahanap. At dahil may office naman ako sa pinagt-trabahuan ay natatawagan ko ito para mapakalma.

Nagsisimula na rin akong maghanap ng bagong malilipatan. It will be a lot of adjustment but it might be the last. Naghahanap ako ng magandang lugar na mapapagawan ng bahay. I'll bring Lana with us, too. Wala akong oras sa paglilinis at sa pagluluto naman ay nag-aaral pa ako. Mas magaling pang magluto si Lana kaysa sa akin.

"Tawagan mo lang ako mamaya kapag nagising, Lana. At huwag mong ililingat ang tingin, baka malaglag o ano," paalala ko.

It was another day to go to work.

"Sige po, Ma'am."

I headed straight to work. Ang mga empleyado rito ay halo-halo. May Pinoy at may iba rin namang hindi. It's for communication purposes and of course, source of income. Most of them are students, too. Naaalala ko sa kanila ang dating ako.

Sa office ay sinimulan kong planuhin ang bahay na gusto ko. Just like before, I prefer the house small and comfortable. A living room, maybe three rooms, a kitchen and dining, and maybe a library, too. Gusto kong kahiligan ni Jacob ang pagbabasa para madali siyang maka-catch up sa mga lessons sa school. Kung ayaw naman ay hindi pipilitin.

Jacob is growing really fast. Pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na. I'm twenty-six and I feel thirty. Jacob's smiles resembles a lot like his dad. Sa tuwing humahagikhik rin ito o nakasimangot.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now