Chapter Twenty Nine

764 33 0
                                    

SUMAMA si Alzien sa amin. I never thought I could afford an executive suite and it is also very luxurious. Dumating din 'yong araw na hindi ko na iisipin ang gastos.

"Ang laki ng pinagbago mo ha? Nagwo-workout ka?" kunyari ay tanong ko.

Parang lumiliit ng lumiliit ang espasyo naming dalawa sa tuwing magkatabi kami. Si Alzien na ang nagbukas ng pintuan sa hotel room namin gamit ang card ko dahil karga ko si Jacob. Ayaw bumaba at ayaw magpabuhat kay Alzien. Naglalambing na naman at mamaya ay hyper na naman 'to. Pagkapasok ay kusang bumaba si Jacob at lumapit agad sa ama. Dinamba niya ito ng yakap at tumatawang binuhat naman siya ni Alzien.

"Love..."

Wala sa sariling napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakamasid sa 'kin. Ngumuso ako at nilihis ang tingin.

"Tumigil ka nga."

"Anong gusto mo? Honey? Babe? Mahal ko? Buhay ko? Sweetheart? Pick one... or we can do all of it," nakangising sabi niya.

Umirap ako at umiling. The attitude is still the same over the past years. Only that, he speaks more free and broad now than before.

"Huwag mo po aagawin si Mommy ko sa 'kin, Daddy. I'll be sad po," ani Jacob.

Alzien was quick to answer his son. Bulong iyon. Hindi ko alam kung sadya o hindi pero narinig ko pa rin.

"Share tayo kay mommy, pero mas malaki ang share ko ha? Ako naman ang nauna kay mommy mo. At hindi ko siya nakasama, miss na miss ko, baby. Araw-araw, gabi-gabi," sabi ni Alzien.

My face heated. Damn this smart ass.

"Ayaw po, Daddy ko. Twenty-five percent po sa 'yo tapos sa akin po seventy-five percent," inosenteng iling ni Jacob.

Alzien's lips parted. Nag-angat ng tingin si Alzien sa 'kin.

"Tatalunin yata ako nito sa negosyo kapag nagkataon," hindi makapaniwalang sabi niya sa 'kin.

Ngayon pa lang ay nakikitaan ko na ng interes sa pagbibilang at paghahati-hati ng mga bagay-bagay. Hindi ko papangunahan dahil alam ko namang marami pa itong madidiskubre habang lumalaki.

"Smart and handsome." I winked at the smiling Jacob.

"Saan pa ba magmamana? Syempre sa Daddy," proud na sabi ni Alzien.

Napailing ako at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos magpalit at maghilamos ay tinuyo ko ang mukha ko at lumabas. Natagpuan ko silang naglalaro ng mga laruan ni Jacob. Hindi palalaro si Jacob sa ibang bata at mas prefer niya maglaro mag-isa. Katulad din ni Alzien ay mahilig siya sa mga puzzle.

"May damit ka ba, Al? Magbihis ka na," nakapikit na sabi ko habang dinadampi ang pamunas sa mukha ko.

Pagbukas ng mata ko ay napasigaw ako sa gulat dahil nasa harap ko na ito. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha sa 'kin. That quick?

"Come on, let me embrace you for a moment while Jacob's playing, baka hindi ko 'to magawa mamaya."

Hindi ako umangal sa sunod niyang ginawa. He encircled his arms around my waist and pulled me. He sniffed my hair and planted small kisses. My heart started acting weird and beating rapidly. Na-miss ko rin. Gumanti ako ng yakap at halos maupo na ito sa sofa para paupuin akosa kandungan.

"Gusto kitang halikan. At kapag ginawa ko 'yon, sa tingin ko hindi lang halik ang magagawa ko."

I pursed my lips because I want that too. Pero halik lang. Ayos lang sa 'kin ang halik. Sa susunod na ang kapatid ni Jacob. Mahal niya pa rin ako? Hindi ko pa naririnig pero sa tingin ko... oo. Hindi naman kaya ako delusional? Pero action speaks louder than words? Punyeta.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now