Chapter Twenty One

637 25 0
                                    

ALZIEN started working under Kiko's dad. He once showed me his collection of cars thru cctv. Ang sabi niya ay isa-isa niya iyong kukunin. Madaling ibenta dahil maraming gustong bumili. It's limited edition cars, marami ang may habol.

"But it's your collection. Pwede rin akong magtrabaho rito lang din sa bahay at-"

"No. I am not going to let you work. Kapag namatay ako hindi ko naman madadala ang mga collection ko. And I can buy another in the future. Kayo muna ni baby. It's not hard for me to sell those cars, kahit galing ang mga iyon sa allowance ko."

Marami siyang papel na kaharap. He started a couple of weeks ago and school is coming too. Ilang linggo na lang din ay pasukan na. He's pretty occupied and here I am, just watching. The baby is nearly two months.

"Alzine kasi..."

"Hm? You need something? Tell me, I'll get It for you." Humarap siya sa 'kin at hinintay ang sagot ko.

"Huwag na lang kaya 'no? Magmo-model ako kasama si Soleste. Damit para sa mga buntis."

He narrowed his eyes. May kalayuan ang pwesto niya sa 'kin.

"And what? Bikinis for pregnant women? You really think I'd agree?"

Ngumiwi ako. May option naman siguro. Daster lang.

"Hindi naman siguro..."

"I'm exposed to things like that because of my Mom, Rayzeah. Hindi ako papayag."

I pursed my lips. Mabuburyo ako rito kapag walang ginagawa. Pwede naman akong magtrabaho ngayon at titigil kapag malaki na si baby. Dagdag income at para hindi ako umaasa sa kaniya. Hindi ako kumportable na may inaasahan. Me, living under his care, is already more than enough. Papakainin niya pa ako? At check ups? Mga gamit? We can split with everything. O kung pwede, ang baby lang. O sa kaniya ang bahay, ako sa mga grocery at check up.

"Masyado na akong nakakaabala at hindi ako kumportable sa isiping 'yon, Alzien. May ipon ako. Aabot 'yon hanggang pagkapanganak ko. Let's split everything in half."

Naibenta niya na ang isang kotse niya. It costs million. Ganoon siguro kapag limited edition? Kahit second hand ay milyones pa rin ang presyo.

Ang sabi ni Alzien pinoproseso na ang papel ng bahay na lilipatan namin. Tinanong ko siya kung anong klaseng bahay. Imagine my shock when he said he wanted a three-storey building. Kusa ngang gumalaw ang kamay ko para bigyan siya ng sapak.

In the end, we chose a small house with two bedrooms with bathroom in each room, a kitchen, and a wide living room. Ia-upgrade raw iyon kapag malaki na si baby. Anong akala niya, magli-live in kami habangbuhay? Hindi porque't may anak siya sa 'kin ay papayag na ako.

"Alright, if that's what you want, let's do that."

After that small talk, I left the room. Nandito pa rin naman kami sa apartment ko. Sa lapag siya natutulog at ako sa kama. Ayokong magtabi kami.

Sa kusina ako dumiretso. Binuksan ko ang ref at kumuha ng strawberry at chocolate syrup. I washed the strawberries and put it in a bowl. Niligo ko ang mga ito ng chocolate syrup at sinimulang kainin. Siguro babae, at kapag babae ay talaga namang papangalanan ko ng strawberry.

"Ray? Ray? Rayzeah!"

"Punyeta ano? Nandito ako!" naiinis na sigaw ko sa kaniya at bahagyang gumilid para makita siya.

Minsan nakakainis na rin ang pagiging praning niya. Natrauma yata sa pag-alis ko noon. Hindi rin naman ako umaalis ng apartment. Lumalabas lang tuwing umaga at naglalakad-lakad, para na rin mainitan. At kasama ko siya palagi.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now