Chapter Eight

638 27 0
                                    

HINDI ko alam kung anong nangyari, nagising na lang ang diwa ko at kasama ko na itong si Alzien na nakangisi ngayon sa tabi ko. Para siyang bata na turo ng turo, tapos kapag may tumingin sa amin tatahimik at ibabalik ang atensyon sa bitbit na rubik's cube.

"Saan ka galing? Bakit nandito ka?" tanong ko.

"What do you mean? I've been with you the whole time," nagtatakang sagot niya.

No. That's impossible. I was just strolling around. All alone.

"Liar. Magkasama kayo ng kapatid ni Soleste."

"Hindi kami close."

"Magkaibigan nga kayo. Lumayo ka nga sa 'kin, ang tapang ng pabango mo," nababangas na sabi ko at nagmadali ng paglalakad para makalayo sa kaniya.

Siya pinapalayo ko pero ako 'yong lumayo. Hindi bet ng ilong ko ang matapang niyang pabango. Scent picker talaga ang ilong ko. I can't stand strong fragrances, that's why I only use feminine cologne.

"Samahan mo 'ko." Humabol siya sa 'kin.

"Saan? May titignan pa ako, busy ako as you can see."

Hinawakan niya ang laylayan ng damit ko. Ayan na naman siya sa hawak-hawak na 'yan.

"Bibili ng bagong pabango. Sabi mo matapang e."

"Oo, matapang, pero hindi ko sinabing bumili ka ng bagong pabango. Kung gusto mo talagang bumili, matanda ka na, kaya mo na 'yan."

"Saglit lang, please?" ngumuso ito sa harap ko.

Punyeta. Sorry pero ang sagwa tignan. Hindi siya normal sa paningin ko. Para akong nakakita ng pato na pangit. Syempre, hindi ko sasabihin 'yon. Lowk-ey lait lang naman ginagawa ko palagi. Kidding.

"No."

"Please?"

"Still a no. Hindi mo 'ko mauutusan."

"Hindi bagay sa 'yo ang inuutusan, bagay sa 'yo gawing kamahalan," ngisi niya na naging dahilan ng paglabas ng dalawang malalalim niyang biloy. Ngayon ko lang napansin 'yon ah. Ang gwapo niya na naman sa paningin ko.

"Bumalik ka na nga kung saan ka nanggaling. May gagawin pa ako."

"Why can't we just shop together in peace?"

Napairap ako sabay buntong hininga. Dahil sa kaniya tumataas presyon ko. Sa kaniya lang tumataas ah. Batang 'to, Diyos ko. Ginigigil kalamnan ko.

"Perfume lang ba bibilhin mo?" blankong tanong ko.

"No. Bibili ako ng bagong cube, nasira ko 'yong iba, last na 'to," itinaas niya ang bitbit niyang rubik's cube.

"Paanong nasira? Hindi naman masisira 'yan kung iniingatan mo," mataray na sabi ko.

Hindi na niya binitawan ang laylayan ng damit ko. Hindi ko alam kung anong itsura naming dalawa ngayon pero sa tingin ko ang pangit tignan.

"I accidentally stepped on it. 'Yong iba naman binato ni Dad, puro na lang daw kasi ako rubik's. Buti nga 'yong rubik's hindi ako iniiwan e," lumabi ito na parang bata.

"Iniwan ka na? Wow. Well, not rare anymore. Karamihan sa mga high school students ngayon may girlfriend o boyfriend na, 'yong iba naman may anak o 'di kaya ay may pamilya na," litanya ko habang naglalakad kami.

Noong high school ako, uso pa no'n iyong mga selfie sabay edit-edit ng flowers sa ulo, hearts kung saan-saan, gwiyomi diyan, gwiyomi dito, may edit pa nga na tumatagos ang kamay. Dalawang tao ine-edit, pagtatabihin sila tapos 'yong kamay no'ng isa tumatagos sa isa pang tao. That was epic. Wala akong cellphone noon, kaya wala ako masyadong pictures. May pictures ako, nasa bahay ampunan naka-display. Noong elementary, parang wala naman, wala akong maalala na nagka-picture ako. Sa high school, nagka-picture at facebook account ako dahil kay Chelsea. May cellphone kasi siya noon, iyong maliit na touch screen.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now