Chapter Twenty Five

656 24 0
                                    

ABALA ako sa paglilinis nang makarinig ako ng sasakyan sa labas. Tinigil ko agad ang ginagawa at binuksan ang front door para tignan kung sino. Imposible namang si Alzien, whole day ang klase nila ngayong araw at mukhang mal-late pa nga siya ng uwi dahil sa dami ng gawain.

"Sino ho sila?" tanong ko nang makalapit sa kotse na sa harap mismo ng bahay namin huminto.

May lumabas na lalaking naka-black suit at shades. Akala ko ay siya na 'yon pero umikot ito at binuksan ang pintuan sa back seat ng kotse. Umawang ang labi ko nang makita ang nanay ni Alzien na lumabas galing sa loob. Alam ba nila? Akala ko ba hindi pinaalam ni Alzien? Shit! Nakakahiya, ganito ang ayos ko.

"Ikaw ba si Rayzeah? Ang kinakasama ng anak ko ngayon?" tumaas ang kilay ng Mommy ni Alzien.

I could only gasp in surprise. Pinasadahan ako nito ng tingin. The disgusted look in her face made my heart clench.

"Y-yes po," I answered, intimidated by her presence.

Hindi naman dapat ako natatakot. But the fact that binubuhay kami ni Alzien ay isang malaking sampal sa 'kin.

"I want you to leave this house immediately with your son."

Tigagal ako sa sinabi nito. Para akong nabingi. Kung sa akin ay ayos lang, pero may anak na ako ngayon at kapakanan niya ang iniisip ko.

"Ho?!" gulat na sabi ko.

"I don't want to repeat myself but for you gagawin ko. Leave this house with your goddamn son. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa anak ko at napunta pa sa isang skwater na kagaya mo. Hindi ka nababagay sa anak ko and you never will. Look at you, walang class. Pera lang naman ang habol mo sa anak ko, hindi ba? Kaya pinikot mo ang anak ko kahit hindi niya naman anak ang bastardong bata na 'yan," she clicked her tongue in annoyance. "Alzien deserves better. Hindi nababagay sa 'yo ang umangat dahil sa pera ng anak ko. Stop being a disappointment."

I gritted my teeth. Nilebel ko ang tingin sa kaniya at sinalubong ang mariing titig.

"I'm sorry but I think it's not necessary for you to decide that, Ma'am."

Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol niya sa 'kin.

"Look at this girl. Wala kang galang. I have the rights dahil ako ang ina ni Alzien."

I took a heavy sigh to expand my patience. Hindi ko alam kung paano matatapos ang usapang ito pero gustong-gusto ko na. Bigyan niya rin sana kami ng pagkakataong mag-usap ni Alzien.

"Kung gano'n ho ay anak niyo ang kausapin niyo, let's just look forward for what his decision will be."

Daig niya pa si Lord sa pagdedesisyon. I can just turn my back at her and slam the gate in her face but I didn't do it out of respect. Sa tuwing dumadaan sa isipan ko ang pagtawag niya ng bastardo kay Jacob ay kating-kati ako na gawin iyon.

This woman is the epitome of a destroyer. Kaya pala ganoon na lang si Alzien sa kaniya. And the fact na pinagtanggol ko pa siya? God, gusto kong kaltukan ang sarili.

"How dare you! If I say leave, then leave! Bumalik ka sa kung saang skwater ka man galing. Sagabal lang kayo sa buhay at sa pag-aaral ng anak ko. My son deserves better. Hindi sa katulad mong walang class at may anak, losyang!"

I chuckled. I wasn't even offended. Pero ang bigat sa loob-loob ko ay hindi nawala.

"Umalis na ho kayo dahil wala kayong mapapala kakangawa niyo diyan. At kung gusto niyong kausapin si Alzien tungkol dito, please feel free."

Taas noong tiningnan niya ako. Wala pa nga akong ginagawa mukhang nao-offend na siya.

"Babalik ako mamayang gabi. I'll take my son with me you little witch. Better think, you don't know how my mind works, dear. Baka bukas pagala-gala ka nalang sa lansangan. Adios."

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now